Chapter 14

318 9 1
                                    

Chapter 14

"Hey, Goodmorning." Bati sa kanya ni Trevor pag kalabas nya ng kwarto.

Nagtaka naman syang nakatingin dito dahil nasa tapat ito ng kwarto nya pag bukas pa lang nya ng pinto. Kakagising nya lang sa pagkakahimbing ng tulog nya. Hindi nya na namalayan ang oras kahapon, after nya kaseng maligo ay natulog sya diretso at ngayong umaga lang nagising.

"Goodmorning, d-do you need something?" Aniya dito.

"Ah, nothing. Gigisingin sana kita para mag breakfast, hindi ka kase kumain kagabi." Tugon sakanya ni Trevor na ikinatango naman nya.

"Let's go, have a breakfast with me." Aya pa ng binata sa kanya at iginaya sya nito sa hapagkainan at pinaghila sya nito ng upuan. Agad naman syang umupo sa upuan at ganun din si Trevor sa kabila.Magkaharapan sila sa hapagkainan ngayon at nagsisimula ng kumain.

"Are you okay with your room?" Si Trevor.

Uminom muna sya ng juice bago ito sagutin. " What do you mean?"

"What I mean is, nakakatulog ka naman ba ng maayos, komportable ka ba?" Paglilinaw nito.

"Oo naman, bakit mo naitanong? Ikaw ba hindi ka ba komportable na may iba kang kasama?" Balik na tanong naman nya.

"Nope. Your not the first one." Anito.

Binigyan naman nya ito ng makahulugang ngiti," So nagdadala ka ng babae dito?"

"Let's just say, I just try."

"Oh, anong nangyari?" Taka nyang tanong.

"She gets angry with me," Trevor coldly said.

"Baka naman kase pinilit mo," concerned in her voice.

Napailing naman ito bilang tugon. Bakas sa mata nito ang lungkot kahit na malamig sya nitong sinagot kanina. Hindi sya makapaniwala na sa gwapo at kisig ng binata ay tinanggihan lang ito ng babaeng inaya nito.

"Anyways, may gagawin ka ba after?" Pag-iiba ng binata sa usapan.

Halatang iniiwasan nito na mag tanong pa sya kaya sinagot na lang nya ito. "Wala naman, actually I'm on vacation work. I need to freshen' up."

"That's nice, gusto mo bang lumibot mamaya dito?" Tanong nito.

"Okay lang sakin, pero may puntahan muna ako saglit." Sambit nya dito.

Napatango naman ito bilang pag sang-ayon sakanya, "Sige samahan na kita kung saan man yan." Anito sa kanya.

"Wala ka bang ibang gagawin? Work?" Takang tanong nya dito.

Umiling ito,"I'm not busy today, at baka wala kang kasama kaya sasamahan na lang kita."

"Okay,." Tugon nya at mabilis nyang tinapos ang pag kain nya para makapag ayos na sya.

"Sige mag ayos lang ako saglit para makapunta na agad tayo ng maaga." Aniya dito at nag tungo na agad sa kwarto nya para maligo at mag bihis.

"Pupunta pala tayo sa resto nyo ngayon edi sana dun na lang tayo nag breakfast." Sambit ni Trevor sa kanya.

Nasa kotse sya ngayon ni Trevor nakasakay at papunta sila ngayon sa resto nila para kamustahin saglit si Zyrill at aalis din sila agad dahil baka maabutan sya ni Brix o di kaya ng Tito Claude nya.

"It's okay, saglit lang naman tayo dun kamustahin ko lang si Zyrill then mag ikot na tayo as you plan." Tugon nya na ikinatango naman nito.

"Makikita ko na din kayong dalawang mag kapatid." Anito na ikinalingon nya.

POSITION 2: Brix EugenioWhere stories live. Discover now