CHAPTER THREE √

110 20 7
                                    

KAILEIGH's POV

Naglalakad ako pababa ng building habang hawak ang cellphone ko at kausap si Aenna.

"Ano na Kai? May classmate ba tayong gwapo? Yung kamukha ni Paulo Avelino?" Tsk asa naman siya na may mag-eexcist na kamukha ng mga binanggit niya, e ang gwapo-gwapo ng mga yun.

"Tumigil ka nga, Anyway,ganyan ka na ba talaga ha Aenna, bakit lagi mo nalang akong pinapabayaan kapag first day of class, Nakakainis ka!" nakasimangot na sabi ko, as if makita niya ang itsura ko ngayon. Nandito na ako sa bukana ng canteen ng napansin kong napakadaming istudyante ang nagkukumpulan kung saan ako bibili ng maiinom ko.

"Huy Kai! Nakikinig ka ba?" pasigaw na sabi ni Aenna sa kabilang linya.

"Oo nakikinig ako narinig ko tanong mo" tumalikod muna ako at lumayo ng konti sa mga nagsisigawan na istudyante. Ano ba yung sinisigawan nila? Parang mga ewan e.

"Oh sige na mamaya na ako magkukwento sayo pagkatapos ng pasok, Bye!" Narinig ko naman ang sagot niya kaya agad ko ng pinatay ang call. Pagpihit ko patalikod bigla akong nauntog sa isang matigas na bagay. Nakayuko ako kaya kita ko ang black leather shoes niya. Hala tao pala ang nauntugan ko?

"A-Ah sorry, hindi ko sinasadya" sabi ko agad ng hindi padin siya tinitignan. Narinig ko na din ang mga istudyanteng nagsisitili kanina sa loob na papalapit na sa pwesto ko.

Nakita ko nalang na naglakad na ang nakablack leather shoes palayo sakin. Hindi ko nakita ang mukha niya pero alam kong lalaki ang nabangga ko. Nakapants e.(⊙_◎)

Pagkalampas nung lalaking nabangga ko, sumunod naman ang mga istudyante na kanina pa nagsisitili. Dinaig pa sirena ng ambulansiya.=_=

Naglakad nako papasok ng canteen dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko.
Bumili lang ako ng isang Coke in Can at isang Cheese Sandwich. Pagkaabot ko ng bayad sa kahera biglang may kamay na tumakip sa magkabila kong mata. Napahawak ako sa kamay niya na nakalagay sa mata ko at pilit ni tinatanggal ito.

Medyo malapit ang kamay niya sa ilong ko kaya mabilis kong sininghot ang amoy nito.
Ahah! FENDI Perfume!

"Masakit na mata ko, tanggalin mo na yan Puppy ay este Hades." narinig ko ang pag-impit niyang tawa at sabay ng pagtanggal ng kamay niya na nasa mata ko.

"Galing ah, Paano mo nahulaan na ako 'to?" nakangiting tanong niya. Ano ba nakangiti ka na naman e. Kenekeleg ne nemen eke, Ehe!

"Ah Hehe syempre ikaw pa, tsaka naamoy ko pabango mo e."

"Alam na alam mo na amoy ko a, By the way order lang ako tapos sabay nalang tayong kumain okay ba?" sabay thumbs up niya, sinuklian ko naman siya ng napakatamis na ngiti at isang thumbs up para sa tanong niya.

Nakilala ko lang si Hades nang dahil kay Aenna. 3rd year High school kami noon at tandang-tanda ko pa.

~ F L A S H B A C K ~

"Ate! Gising ka na daw, nandito si Ate Aenna may sasabihin daw siya sayo" sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko. Ano ba naman rest day ngayon Aenna papahingahin mo muna ako! Kumamot muna ako ng ulo saka nagsalita pabalik sa kapatid ko.

"Ayan na! Sabihin mo sandali lang" narinig ko na ang paghakbang niya pababa kaya mabilis na akong kumilos.

Pagkababa ko, Nakita ko agad ang nakangiting mukha ni Aenna sakin. Anong meron bakit sayang-saya ata siya ngayon?

"Bakit? Papasama ka na naman? Hay naku Aenna, Sabado ngayon at ibig sabihin Rest day, kaya hin--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya.

A Deal With A Campus Heartthrob [ON GOING]Where stories live. Discover now