"Can we sit here?" Seryosong tanong ni Aiken.

"Uhm yes! yes!" Gagad na sabi ni Yngrid

Umupo naman silang lima si Aaron, Daniel, Joshua, Dale, at si Aiken. Nabigla ako ng sa'kin tumabi si Aken at nakita kong ngumisi si Yngrid sa'kin. Tahimik kaming kumakain at kung hindi pa binasag ni Aaron ang katahimikan ay walang mag sasalita.

"Hi what's your name guys?"Tanong niya

Walang sumagot saming dalawa ni Yngrid dahil hindi naman namin alam kung dino ang tinatanong niya.

"Hey I'm talking to the both of you" Saka siya tumawa.

Tumingin ako kay Yngrid at halatang nagulat siya.

"Kami ba?" Tanong ni Yngrid

"Yup,meron pa bang iba?" Tanong ni Aaron

"Uhm my name is Yngrid and this is my friend Laikyn." Nakangiting sabi ni Yngrid

"Nice to meet you Yngrid and Laikyn!" Masayang bati niya

"Nice to meet you too" Ani Yngrid.

Ako naman ay tahimik lang at hindi nagsalita.Kinuha ko ang phone ko at tinext si Yngrid.

Ako
Rid tara na balik na tayo sa room.

Agad namang tinignan ni Yngrid ang phone niya at tinignan ako.

"Uhm guys una na kami sa inyo" Sabi ni Yngrid

"Maaga pa ah? Dito muna kayo" Aya ni Dale

"No thanks, una na kami bye!" At agad naman akong tumayo.

Bago ako makatayo ay narinig ko umubo ng peke si Aiken pero pinagsawalang bahala ko nalang ito at pumunta na sa room.

"Bakit hindi ka umiimik kanina? Hindi mo rin sinagot yung si Aaron kanina." Ani Yngrid

"Uhm tinatamad ako magsalita e"

"Tinatamad ka ba talaga ko sadyang nahihiya ka lang kasi magkatabi kayo ni Aiken kanina sa upuan?" Sabay taas niya ng kilay.

"H-hindi ah" Sabi ko

Speaking of Aiken ay nakita na namin sila na pumasok na rin kaya ako eto na naman at bumibilis ang tibok ng puso ko. Yumuko lang ako hanggang sa dumating ang next teacher at pag angat ko ng tingin ay nahuli kong naka tingin si Aiken sa akin pero iniwas niya rin ito agad.

"Goodmorning I'm Mr. Gonzales and I will be your teacher in Mathematics and for today I will arrange you in your proper places"

Habang inaayos ng teacher ang uupuan namin ay kami nalang nila Aaron, Dale, Daniel, Aiken, Yngrid at ako ang natitirang wala pang upuan.Tinuro ng teacher namin si Dale at Yngrid at pinaupo sa dulo pagkatapos ay si Aiken at Ako at pinaupo kami sa likod sa may gitna kung saan naka upo sina Dale at Yngrid at sina Daniel at Aaron ay sa tabi naman namin. Tadhana nga naman.

"Sayang ang toothpaste kung hindi ka magsasalita" Ani Aiken.

Nagulat ako dahil kinausap niya ako.

"U-uhm Hi" Sabi ko

Tumawa naman siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka tumatawa ha? Nagsalita naman ako ah?"

"Wala naman akong sinasabi, tumawa lang naman ako, masama na pala tumawa ngayon?

"Talagang masama lalo na kung wala naman radon ang pagtawa mo" Saka ko siya tinarayan.

"Sungit mo pala"

"Binabagay ko lang yung pagiging masungit ko" Sabi ko

"Hindi naman ata bagay sakin yang pagsusungit mo" Aniya at kinidatan pa ako bago itinuon ang pansin sa teacher namin.

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang