"This bitch. Naririnig ka namin gaga bulong bulong ka jan. That's a sudden decision but gora lang sis. As long as magiging okay ka," Adaille replied.

Lumipat kami sa kama at nag kwentuhan pa ng kung ano anong bagay. Minsan naman di ako makikisali sa kanila at tumutulala lang sa kawalan pero bigla naman akong babatukan ni Katrina at Angela kaya mag iingay nanaman kami. 

Mahilo-hilo nanaman ako nung nakarami na kami ng beer kaya naman mas lumala yung asaran namin at mas gumulo. 

"Gago di na talaga ko iinom ng marami ang sakit sa ulo," Reklamo ko na.

"Bobo yan lagi mong line. Pang ilan mo nang sabi yan? Angela nabibilang mo ba?" Rebat naman sakin ni Katrina kaya napakamot ako sa ulo ko. 

"Oo te, pang seventeen nya nang sabi yan. Scammer ampota," Tawa ni Angela.

"Ayos lang yan. Tandaan nyo may isa pang lasinggera dito sa tabi ko. Scammer din yan," Sabi ko naman sabay nguso kay Adaille. Adaille gave us the 'bakit-ako-nanaman' look kaya naman tawanan nanaman kami.

After a few more bottles of beer, pumasok na kami sa loob at nag desisyon na matulog na. Baka kung anong katangahan pa ang mangyari pag pare-pareho kaming nalasing kaya niyaya ko na silang matulog. 

Everytime na matutulog sila dito, dun kami natutulog sa guest room. Dalawang guest room yon na pinag isa nalang kasi pinagawa ko yon since we do sleepovers a lot.

 Merong isang kama don na ka-size ng dalawang king size bed kaya kasyang-kasya kaming apat. May flatscreen tv as tapat ng kama para kapag gusto naming mag movie marathon or manood ng kung ano tapos may malaking sofa sa gilid. 

Pag pasok namin sa kwarto, dumiretso na ko sa pag tulog. It's been a rough day for me so I'm exhausted af kaya hindi ako nahirapan matulog.


Kinabukasan, nagising ako na si Adaille na lang yung nasa kama. Katrina and Angela left early kasi may aasikasuhin daw silang pareho. I decided to cook egg, bacon, and spam for Adaille as breakfast. Nauna na akong kumain at nag shower pag tapos pero hindi parin siya nagigising.

 Si Adaille ang usually na naiiwan dito kasi favorite nya daw yung bahay ko.

I decided to go to Mark's place today so I guess I'll leave her first kasi hindi pa siya nagigising. Nag iwan na lang ako ng message kay Adaille na I have to go somewhere first and I cooked breakfast.

Nag drive na ako papunta sa condo ni Mark. I didn't text him na pupunta ko kasi hindi rin naman ako magtatagal. I'll just inform him that I'm gonna leave for a while.

After minutes of the drive, I arrived at his place and went up to his unit. I rang the doorbell twice and Mark opened na door. 

He looks shocked at my sudden appearance to his door. Hindi sya nakapag salita kaya sinabi ko na sakanya yung ipinunta ko.

"Look, I just want to inform you that I-" I was about to say to him that I'm leaving when I saw someone I didn't expect to be there is sitting at the couch in the living room and watching something in the television. "What the fuck? It's early in the morning and you have a visitor? Care to explain, Mark?" Gulat parin na nilingon ni Mark yung tao sa loob at nang mahagip kami ng tingin nya, gulat syang napatayo.

 Kung ano anong pumasok sa isip ko na mga posibilidad kung bakit sya nandon pero tumakbo na lang ako paalis. Tinatawag ako ni Mark pero hindi ko sya nilingon.

Nang makarating ako sa tapat ng kotse ko, pumasok ako at hinihingal pa. Pinipigilan ko yung luha ko. Hangga't maaari, ayoko sanang mag isip ng kung ano pero hindi ko mapigilan. Alam ko na hindi magagawa sakin ni Mark yung naiisip ko pero hindi ko mapigilan. 

Bakit? Bakit siya pa? Bakit silang dalawa pa?

Nagvibrate sa bulsa ko yung phone ko kaya kinuha ko at nakita ko na tumatawag si Mark. I answered the phone pero hindi ako nag salita.

[Look, Babe. It's not what you think, okay?] Salubong nya sakin.

"Yung totoo Mark? Totoo ba na nandon siya o guni-guni ko lang yon?" Seryoso kong tanong sa kanya.

[Babe-] Magsasalita pa sya pero pinutol ko yung sasabihin nya.

"We've been together for nine years, right? Pero kilala ba talaga kita?" Tanong ko sa kanya at hindi naman sya nakapag salita. Tahimik lang yung kabilang linya. "Fuck off," Sabi ko sabay patay ng tawag. 

Napayuko nalang ako sa manibela ng kotse ko at napahilamos sa mukha.

What the actual fuck is happening?

Nang maka-recover ako, I was about to start the engine of the car when my phone beeped. Someone sent me a message kaya naman tinignan ko muna yung message.


From: Love

Hey, love! When will you visit Korea? I miss you :(


After reading the message, I immediately called him.

[ I miss you! ] Salubong nya. Natawa naman ako.

"We'll meet soon. Wait for me, okay?" I smilled then ended the call.


To be Continued........

UNWANTED GIRLSWhere stories live. Discover now