It's either with her kisses or with her tears. Hindi niya na isasama ang legs nito, surrender na surrender siya talaga kapag ganoon.

"Papayag ka rin pala."

He tried to smile. Sa likod ng utak niya, nagtatalo pa rin ang isip niya. Tama kasi si Sapphire na kung nakapag-adjust ito sa buhay niya, bakit hindi niya subukang sandaling tumapak sa nakagisnang buhay nito?

Ngunit, takot lang naman siyang mapahiya ito. Okay nang maalipusta siya. Sanay na siyang maliitin ng mga mayayaman dahil mahirap lang siya. Ang iniiwasan niya lang mangyari ay pati ang asawa niya, maliitin din.

Ngunit sa itsura ng sopistikada niyang misis, kahit presidente, mahihiyang kutyain ito.

Napangiti siyang talaga sa naisip. Kayang kayang irapan at tarayan ni Sapphire kahit ang pangulo pa ng America. Astigin, eh!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

Umiling lang siya at dinala ang kamay nito sa labi niya. "Sasama na 'ko. Para wala na tayong away." Bahala na lang kung anong mangyayari sa sosyal na reunion party. "Pero huwag ka na magpagawa pa ng damit sa mga sikat na mananahi. Huwag ka ng gumastos ng malaki. Itabi mo ang pera mo para mayroon kang gagamitin kapag kailangan na kailangan mo."

"Pero gusto kitang gastusan. I want you to be the most gorgeous guy on the party. Gusto ko ikaw ang may pinakamagandang suit sa lahat. Tingin ko naman madadala mo iyon."

Umiling siya. "Huwag na, Misis." Kahit naman anong ibihis sa kanya...ganoon lang siya. Magsusumigaw pa rin na galing siya sa wala.

May mga sariling issues din si Johann sa buhay. Iyon iyong mga pinakatatago niya sa sulok ng isip niya na hindi niya munang gustong ibahagi sa asawa. Iyon iyong mga nangyari sa kanya na hindi niya kayang daanin sa biro.

"But--"

"Sapat na sa'king lagi kang nasa tabi ko sa gabing iyon." Pinisil niya ang baba nito. "Ikaw ang pinakamagandang misis na maipagmamayabang ko."

Lumitaw na din sa wakas ang mga ngiti nito. "Don't make me that mad again, alright?"

Yumuko siya at kinintilan ito ng halik sa mga labi. "Hindi na po." Maya-maya'y napangisi siya. "So, puwede na ko sa ilalim ng kumot?"

She chuckled. "You can sleep here. But really, I'm not in the mood for sex."

Napakunot noo siya. "Para namang iyon lang ginagawa natin sa tuwing nasa kama tayo."

"Iyon nga lang!"

"Ay, ganoon ba?" natatawang sabi niya.

"Hell, yeah!"

Hinapit niya ito at pinanggigilan ng halik ang buong mukha nito. "Kasi naman bakit ang sarap sarap mo, mahal ko?"

Tawa ito ng tawa. Nakikiliti marahil sa mga halik niya. "Johann, stop..."

Paatras ito ng paatras sa loob ng kuwarto hanggang sa nakapasok na rin siya at kabilis niyang na-lock ang pinto.

"Grabeng pagmamahal 'to! Nakakalunod," aniya pa habang pinagdiskitahan niya naman ang mabango nitong leeg. "Bakit nakaka-adik ka? Bakit mo 'ko nababaliw ng ganito?"

Sapphire just kept on giggling like a kid. Maya-maya ay parehas na silang bumagsak sa kama.
At bumaba ang mga kamay niya sa hita at makinis nitong mga binti.

Napaungol si Sapphire. "Johann,no...ugh! Yes! Yes!"

Napangiti si Johann at nagpatuloy sa mga galawang gustung-gusto ng kanyang misis. Ang mga sumunod na nangyari ay kailangan ng striktong patnubay ng magulang. Masyadong SPG.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now