"Rise and shine!" She was all smiles today.

"Good morning too." I greeted as sitting in the chair.

May breakfast nang nakahanda at hindi nawawala ang mangga. Natakam tuloy ako bigla.

"How's your feeling?"

Nagsimula na siyang lumamon habang ako ay kumukuha pa lang at nilalagay sa aking plato.

"Wala na.."

"What wala na? Ang tinutukoy ko ay pakiramdam mo sa umaga hindi sa walang hiyang Jared na 'yon. Alam ko namang natauhan ka na kahit papano sa sinabi ko kahapon, sana...."

Nagkibit balikat siya saka bumalik sa pagkain. "Daming satsat." asar na tugon ko.

Linggo ang araw ngayon at day off nitong kaibigan ko kaya naman buong araw kaming magkasama ngayon.

Kanya-kanyang abala lang kami sa phone habang nakaupo sa sofa. Tapos na rin naman magbreakfast kaya ito at tunganga kami. Tinatamad din kaming manuod ng TV.

I was scrolling through my newsfeed when a current news popped up, my eyes widened. Anak ng chismis nga naman!

"Peste!" asar na turan ko habang tinitingnan ang mga kuha ng litrato.

It was me and Jared. The photo was Jared pushing my back inside the restroom. Buti na lang ay likod ko lamang ang kita!

"Hoy! Anong pine-peste peste mo riyang buntis na gummy bear?" Tinaasan niya ako ng kilay kaya nilapitan ko siya sa kabilang dulo ng sofa at pinakita ang kumakalat na litrato naman.

"Anak ng—peste nga. Ang showbiz mo naman buntis." Binatukan ko siya. Ang lakas pang mang asar.

"Paano na 'yan?"

"Anong paano na 'yan? Huwag mo problemahin 'yan. Mas may malaki kang problema."

"Huwag mo nang dagda—"

"Your dad called me. Ayaw ko ngang dagdagan iniisip mo pero mas importante 'to kesa diyan sa litrato na hindi naman halatang ikaw." Her words filled my ears.

What a freaking day! Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko.

"Hinahanap ka niya. Mukhang alam niya na dito ka nagtatago at galit siya, Cleine. Galit na galit."

Napapikit ako, marahas na napabuga ng hangin. Mukhang kailangan ko nang maghanap hanap ng malilipatan.

"Kamusta ang balak bumili ng condo ko?"

"Actually okay na siya. Ikaw na lang ang hinihintay ko. Pero sigurado ka na ba?"

Alinlangan man ay tumango ako. Mas lalo akong natatakot magpakita kay daddy.

Sa sumunod na mga buwan ay wala akong ginawa kundi magpahinga. Kinabahan ako dahil noong isang araw ay nag spotting ako.

Agad naming tinawagan ang OB ko. Nasabi niya na dala ito ng stress ko sa mga nakaraang araw.

"Mamili ka na, Cleine. Iwasan mo na ang mga nakakapag stress sa'yo, kapag nagpatuloy pa ito ay may posibilidad na makunan ka."

Sobrang takot ang naramdaman ko nun. Masyadong nakakasakal ang hangin dahil bawat araw na dumadaan ay nag aalala ako na baka kumatok na lang sila Dad sa unit na ito.

"Ready na ba ang gamit mo? Kinausap ko na 'yong kaibigan mo na sinasabi mo. Aalis na kayo bukas ng alas kwatro ng madaling araw." ani ni Vanessa. Buo na ang desisyon ko, pupunta ako sa malayong kamag- anak ng mga forbes sa Negros.

Si Alistair ang pinatawag ko kay Vanessa na maaring maghatid sa akin —sa probinsya ng Negros-Occidental— na hindi ako nilalaglag sa pamilya ko.

"Mamimiss kita, bestfriend ko." Natatawa ako sa mukha niyang hindi maipinta.

"Ano ka ba pupunta ka naman d'on. Isa pa pwede mo naman tawag-tawagan si Tita Agnes para kamustahin ako." Ibinasura ko na kasi ang mga gadgets na mayroon ako dahil baka matrack pa ito ng ama ko, kung gugustuhin niya.

Hindi rin kasi ako tinatantanan ng tawag ni mommy at Kuya Cloud. Pati sila Tito na magulang ni Cloud ay kino- contact na rin ako sa aking social media kaya nag deactivate rin ako.

It means wala na akong pinanghahawakan na maari nilang madetect sa akin. 'Yong condo unit na ibebenta ko, pinakiusapan namin na hanggat maari ay sa aming dalawa lang ang naging transaksyon namin.

Ako naman ang may ari kaya may karapatan akong bilinan siya. Kahit pa magtanong ang kung sino sa kanya.

"You're Alistair, right?" My friend asked him when we arrived at their own airport.

Natatawa man ay tumango din siya. Paano naman kasi akala mo mangiinterrogate pa si Vanessa sa pagkatanong niya.

"Hi, Ali!" Kaway ko rito at maingat na lumakad papunta sa kanya. Nasa likod na niya ang private jet plane na sasakyan namin.

"Rissy Cleine! You look— you look–"

"Pregnant." Putol ko sa kanyang sasabihin. Pinasadahan pa niya ng tingin ang mula ulo hanggang paa ko.

"4 months." nakangiti ako habang hawak hawak ang tiyan kong may baby bump na. Si Vanessa ang naghahatak ng gamit ko.

"Wow! Congrats to you, not to your baby's father. He's a jerk."

"Just like you."

Napatingin kami sa babaeng sumagot sa aming likod, may hawak siyang batang maliit. Napamangha ako sa itsura niya. Mukha siyang prinsesa, ang ganda-ganda!

"Hi!" I'm all smiles when she stopped beside Ali. Ang batang kasama naman niya ay kumakain ng ice cream.

Aww! Such a cutie.

"Mag-ina mo, Ali? Ang ganda naman."

Masaya akong yumuko para pisilin ang pisngi ng bata. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at humawak sa aking baby bump.

"B-baby." Ang cute. I nodded and gave her a peck on both her cheeks.

Narinig ko ang ingus ng babae. "We're not in a relationship." Agad na sagot nito sa sinabi ko kanina.

"Really? You three look like a family."

Tumaray naman si Ali na ikanatawa ko. "She's just my baby sister." Tukoy niya sa batang hawak ng magandang babae. Dahan-dahan naman akong tumango.

"Hi! I'm Cleine and this is Vanessa, my friend." I offer her my hand. She hesitated at first, but at the end she accepted it.

"Sydney. You two are so gorgeous." she smiled in our direction. Narinig ko naman ang tawa ni Vanessa.

"Sus! Nambola ka pa, mas maganda ka nga." Natawa naman si Sydney sa tinuran nito. Napa 'Wow' ako nang makita ang pagkislap ng Amber eyes niya, It's like a yellowish/golden eye.

"Ang ganda mo talaga." Hinatak ako ni Vanessa nang akmang lalapit ako sa kanya.

"Okay na, stop na. Ihatid niyo na ito at mukhang paglilihian pa yata si Sydney. Ali, ang mag-ina mo." Sabay ngisi niya at inaabot ang aking maleta.

Umismid naman si Sydney samantalang si Alistair ay tila walang reaksyon. Kahit kailan talaga 'tong prinsipe na 'to.

"Bye, Cleine." Vanessa hugged me.

"I told you to not say goodbye."She chuckled at my retort.

"Ingatan niyo 'yan si buntis ha." Baling niya kila Ali. Ngumiti naman ang mga ito bago ako inakay paakyat.

"See you when I see you." I mouthed and waved my hand.

——————————————————

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon