Chapter 7: Destination / The Visit

15 1 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami kung saan naka-parking ang motorsiklo ko.

Pagdating namin, eto naman si Kali biglang dumighay ng malakas.

"BBBUUUUURRRRGGGGGHHHHHHHHHH"

"HOY KALI! WHERE'S YOUR MANNERS? ANG DAMING TAONG NAKATINGIN SA'YO PATI AKO NAHIHIYA NA SA'YO"

"Anong mali d'un? Normal naman sa tao ang dumighay"

"Takpan mo kaya bibig mo!"

Itong talagang babaeng 'to kung umasta parang nasa probinsya pa rin.

Siguro kailangan ko rin siya turuan kung paano mamuhay dito sa city.

Such a pain.

"Baileigh, ihatid mo naman ako TUV Hospital"

Nagulat ako sa sinabi niya?

Pupunta daw siya sa hospital na 'yon.

"Ano gagawin mo d'un? Magpapakain ka ng buhay d'un?"

"Ano ba sinasabi mo? Bibisitahin ko lang si Mama d'un. Matagal-tagal ko na rin siyang 'di nakikita"

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman. H'wag kang mag-alala sa'kin"

"Hindi ko namang sinabing mag-alala ako sa'yo"

Tinignan niya naman ako na nakangiti.

Tinapik ko siya sa balikat at sinabing, "Mag-ingat ka sa pagpasok mo d'un"

"Siyempre mag-iingat ako"

Pinaandar ko na ang motorsiklo ko at umangkas na rin siya.

Of course preho kaming nakasuot ng helmet.

Safety first.

Medyo malayo-layo ang hospital dito mula dito sa Bus Station.


















47 minutes later

Nandito na kami ngayon sa harap ng hospital.

Ayoko talagang pumunta sa hospital na'to. Sa tingin ko kapag makakapasok ako, di na ako makakalabas.

Pero itong si Kali. Parang 'di man lang natatakot. Hindi naman sa duwag ako pero talagang ayoko talaga dito.

Tinanggal na ni Kali ang helmet na suot niya.

"Sige salamat Baileigh sa pahatid mo sa'kin dito", sabi niya pero tumango lang ako.

Kinakabahan ako para sa kanya eh.
Gusto ko siyang samahan pero sinabi ko kay Eliezabeth at Cattelia na susunod ako sa kanila sa pagdalaw  kay Danneliya. Ayoko namang biguin sila kaya .......pasensya na Kali kung 'di kita masasamahan.

One Centimeter TallerWhere stories live. Discover now