Sol at Luna

33 3 3
                                    

Hindi ko malilimutan ang sandali kung kailan natin sabay pinanuod ang bawat bituin sa langit.

Ramdam ang lamig ng dilim sa hangin na tila sa balat natin ay kumakapit.

Malayo pa ang umaga ngunit handang maghintay ng ilang sandali't pigilan ang mga matang napipikit hanggang sa araw ay sumapit.

Marahil tumatak saakin ang alaala na 'yon dahil doon ka lang sa'kin naging malapit.

Sa pagtatagpo ng araw at buwan, do'n ko nabatid na tulad no'n ang pag-iibigan natin.

Pagka't ako si Sol at ikaw si Luna.
Nakatadhanang magkita ngunit isa sa'tin ay tumalikod na't nauna.

Higit at Lagi (COMPLETED)Where stories live. Discover now