Sabay Sa Himig

19 1 0
                                    

Sa aking panaginip tila ako'y hinihila ng kawalan.
Yabag ng paa'y walang bigat,
Pakiramdam ay lumulutang sa alapaap.

Minsan na akong nahatak sa alulong ng kaingayan.
Isang bigkas lamang sa pangalan ko'y tila sapat.
Boses mo ang humila't nagpabukas sa aking talungkap.

At nang mata'y imulat, naglaho ang mga salita upang aking nadadama'y mailarawan.
Gising na ang diwa ngunit tila tinig mo'y rinig pa rin sa lahat.
Sabay sa himig, banayad na pananabik sa gaan at higpit ng iyong mainit na yakap.

Higit at Lagi (COMPLETED)Where stories live. Discover now