Sa'ting Kwento

51 5 1
                                    

Nagkalat ang samu't saring papel habang ako'y sumusulat sa ilalim ng puno.

Habang tinititigan ko ay napagtanto ko na bahagi pala tayo mismo sa pangungusap na bumubumuo sa ating kwento.

Ikaw at ako: ang simuno at panaguri. Ang dalawang importanteng parte upang ang konsepto ng pangungusap ay makumpleto.

Ako ang paksa, kadalasang pinag-uusapan ngunit nariyan ka upang maglarawan, magpaliwanag at tapusin ang mga tanong sa mga taong 'di makaintindi ng isang tula.

Kulang ang libo-libong pahina.
Hindi sapat ang mga talata.
Pagka't sa ating kwento,
kung wala ka'y hindi ito buo.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon