Tinatangi

44 4 1
                                    

Sa pagitan ng paghinto at pagtuloy,
nariyan ka sa aking tabi't hindi binali ang iyong pangako.

Hindi ka umalis tumigil man ang lahat sa kanilang pagdaloy.
Nanatili kahit na minsa'y dumarating ang panibugho.

Dahil sinta, ang pagmamahalan natin ay nakaukit na sa'ting kaluluwa't isip;
Nakatanim sa pinakailalim at hindi mabilis supilin. 

Habangbuhay 'di magkakawalay.
Tinatangi ngayon, bukas, at sa mga susunod pang araw ng bukang-liwayway.

Higit at Lagi (COMPLETED)Where stories live. Discover now