Chapter 4

5.9K 262 9
                                    

Chapter 4


Eleinor's POV

Nang makauwi kami, naabutan naman namin si Mommy na halos kakatapos lang mag bake, kaya naman kumuha agad ng cupcake.

Kakainin na naman ulit.

"Hoy ang takaw neto!" Singhal ni Eleimor sakin na ngayon ay nakaka-tatlo na.

Dalawang subo niya lang ubos agad! Eh, sakin tatlo or apat pa!

"Ikaw nga mas matakaw dyan ih!" Singhal ko pabalik dahilan para awatin na kami ni mommy.

"Tigilan niyo nga yan tsaka akala ko ba nagsi kain na kayong dalawa? Bakit parang gutom na gutom pa din kayo?" Kunot noo niyang tanong.

Tumabi pa siya sakin at kumuha na din ng cupcake na binake niya.

"Kumain naman po mih pero syempre iba naman to hihihi." sabi ko.

Narinig ko namang bumulong-bulong yung kambal kong tukmol.

"Tsh! Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga." Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay bago siya kurutin sa tagiliran.

"Awww! Mommy oh! Look! Inaaway na naman ako!" Sumbong niya sabay turo sakin.

Psh! Apaka sumbongero talaga neto!

"Ha! Ikaw nga mommy's boy ih!" Singhal ko din sa kanya dahilan naman para makatanggap ako ng sama ng tingin galing sa kanya.

"Anong meron sa inyong dalawa ngayon? Bigla-bigla nalang kayong nag aaway. Ano trip niyong mga bata kayo ha?" Takang tanong ni mommy, nagka-tinginan naman kaming dalawa ni Eleimor.

"Bakit nga ba tayo nag aaway?" Sabay naming tanong sa isa’t isa.

Napapalo naman sa noo si mommy, kasabay ng pag sabunot niya sa ulo niya na para bang stress na stress siyang dalawa sa amin.

"Oh my gosh! Hindi ko akalain na nagkaron ako ng mga anak na baliw. Normal ko naman kayong nilabas pero bakit mga ganyan kayo?" Problemado niyang sabi habang minamassage yung bridge ng ilong niya.

"Mga kulang lang tayo sa tulog. Yun lang yon." tumayo na ko at niyakap si mommy, matutulog na din kasi ako.

Napailing pa si mommy habang naka tingin saming dalawa ni Eleimor.

"Tulog na po ako mommy." Paalam ko habang naka ngiti, napatango naman siya.

Wala naubos energy ko bigla.

"Good night baby."

The Irreplaceable Solace (Complete)Where stories live. Discover now