III. Closer

7 2 0
                                    

Tatlong linggo ang makalipas naging malapit kami ni Louie sa isa't isa. Kahit na hindi namin alam ang tunay na itsura ng bawat isa masaya na kami sa paguusap.

Sa loob ng mga linggong iyon ay halos ginanahan akong pumasok sa trabaho at umuwi ng mabilis dahil sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit pero nakakagaan ng damdamin kapag siya ang kausap mo.

Nakikinig siya at hindi nanghuhusga. Sa mga nakalipas din ay pansin kong napakakulit niya talaga at hindi siya nawawalan ng interes na kausapin ako.


At ngayon dahil wala akong pasok sa trabaho ay maaga akong uuwi. Nagaantay na lang ako ng limang minuto matapos ang klase.

Bago magdismiss ang prof. ay nagpaalala ang President namin na may iaanounce siya about sa foundation event na gaganapin.



Habang nakikinig ako ay nakita ko si Erin na  nakikipagusap na naman sa mga barkada niya. Napailing na lang ako siguro magiinuman sila sa darating na foundation.



Pagkatapos ng meeting ay dali dali na akong umuwi sa bahay. Nakita ko pang sumulyap si Erin sa akin pero umiwas din ito. Hindi ko alam kung may problema ba sya o ano.






Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagmadali na makadating sa kwarto. At binuksan ang laptop ko.Pagkaonline ko ay napop-up agad ang pangalan ni Louie.

"Hey Nyx kamusta?, nagmeryenda ka na ba?."

"Hindi pa kakauwi ko nga lang eh, ikaw ba?."

"Hindi pa din hahaha so ano kain muna tayo?."

"Sige balik ako mga 5 minutes hintayin mo ako ah?."

"Oo naman kuha lang din ako meryenda. "




Pagkabasa ko nun ay dali dali akong bumaba at naghanap ng kakainin. Dahil wala pa si mama lemon square cheese cake lang ang nakita ko at may fresh milk kaya ayun na kinuha ko. Muntik pa akong matapilok pagakyat sa hagdan para lang makabalik at makausap agad si Louie.





Masaya ang usapan namin hindi lang tungkol sa buhay buhay. Nagtutulungan kami sa assignment kapag di namin maintindihan at  nagaasaran din kapag wala na magawa.






At sa di inaasahan ngayong gabi unang beses naming sinubukan na makipagusap gamit ang cellphone.




Sa di malamang dahilan ay kinabahan ako  pero nung marinig ko na ang boses niya ay napangiti na lang ako at nagkaroon ng ginhawa.




" Hi?, patanong na bungad nito pero may halong kaba. At ako naman ay napangiti bigla at sumagot ng may halong saya.

"Hello, hmmm." Sa unang pagkakataon ay nawalan kami ng ideyang pwede pagusapan. Ganun pala siguro kapag nagkakahiyaan oa.



Tumagal ng halos limang minuto na nakikiramdam lang kami sa isat isa.
Hanggang sa nagsalita na siya.




"Hi Nyx, ang ganda pala talaga ng boses mo noh?." Biro nito.

BOES: OUR REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon