Chapter 8

2 0 0
                                    

"What now, Shana? I told you, you can't defeat me!"

"Shana, are you okay?" tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango.

Nang sumigaw ang demonyo ay narinig kong napatili si Ninia tuloy ay napatingin siya dito. "Ninia?" aniya sa tinig ni Daze. "Ninia, it's me. Please help me. Please, Ninia."

"Ninia, no!" sigaw ko nang akmang lalapit na siya dito. Mabuti na lamang ay nasa likod niya si Hendery upang pigilan siya.

"You bitch!" baling sa'kin ng demonyo kaya nanlaki ang mga mata ko. "Why? Are you scared? Oh yes. Nagustuhan mo ba ang mga naranasan mo? Diba ikaw ang pinakanaapektuhan?"

"Shut up!" I cried. "Shut up! Just shut up!"

"I WILL NEVER SHUT UP!"

Napayuko ako dahil sa lakas ng kanyang boses. Pero makaraan ng ilang segundo ay unti-unti kong iniangat ang aking ulo at kasabay no'n ay ang malakas na pagsigaw ng mga kasama ko. My body also froze when I saw his eyes turned jet black.

"Shana, please do something!" Ninia exclaimed while crying. "Shana, please!"

"WHO WILL HELP YOU? WHO WILL HELP YOU?" panghahamon pa ng demonyo. Nakatingin siya sa'min habang nakangisi pero kumabog ng malakas ang puso ko nang bigla ulit itong sumigaw.

"In the beginning was the word. And the word was with God." Napatingin kami sa lalaking nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sir Art na may dalang isang krus. "And the word was the word, and what a wonderful world it was."

Habang patuloy na nagsasalita si Sir Art ay patuloy ding sumisigaw ang demonyo na animo'y nasasaktan.

"Through him all things remain. Without him, nothing was made that has been made."

Muling napasigaw ang demonyo at sa pagkakataong ito ay napatakip na kami ng mga tenga.

"Pater noster qui es in coelis, sanctificetur nomen tuum..." Nakita kong may inilabas si Sir Art na holy water mula sa kanyang bulsa at ibinasbas niya ito sa katawan ni Daze. "...adveniat regnum tuum, fiat voluntas tua, sicut in coelo et in terra."

"NON EGO SICUT VOS! NON EGO SICUT VOS!"

Mabilis na lumapit sa kinaroroonan namin si Ninia at Hendery nang biglang mabasag ang mga bintana dito sa kwarto ni Daze.

"Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra, sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. et ne nos inducas in tentationem sed libera nos a malo. Amen."

"DAZE, WAKE UP!" pagtawag sa kanya ni Ninia nang bigla ulit itong sumigaw.

"Release him, demon! I command you, in the name of our Lord, Jesus Christ. Give me your name!" Sir Art exclaimed. Napatakip ako sa aking bibig kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Punong-puno na halos ng dugo ang mukha ni Daze ngayon at alam kong hirap na hirap na rin siya.

"He who commands you is he who ordered you thrown down from the highest heaven into the depths of hell."

Magkakasunod na umiling ang demonyo saka ito muling malakas na sumigaw. Napatingin ako kay Sir Art at nakita kong tagaktak na ang kanyang pawis pero makikita pa rin sa kanyang mukha ang determinasyong mabawi si Daze mula sa demonyo.

"Daze! Please lumaban ka!" sambit ni Lawrence. Ilang sandali pa ay kamuntikan na kaming mapaupo dahil sa biglaang paghangin ng malakas. Muli kaming napatakip sa aming tenga nang sumigaw ulit ang demonyo.

"In the name of our Lord, Jesus Christ, I now command you, give me your name, demon! GIVE ME YOUR NAME!"

"CAIN!" Halos tumigil ang paggalaw ng lahat nang tuluyan na niyang sabihin ang kanyang pangalan. "CAIN! CAIN! CAIN! CAIN!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The UnholyWhere stories live. Discover now