Chapter 5

6 0 0
                                    

Lumipas ang ilang sandali at lumabas na si Shana ng psychologist's office.

"Daze? You're next." si Daze na ang huling kakausapin ng psychologist at pagkatapos no'n ay makakauwi na kami.

Narinig kong huminga ng malalim si Shana kaya napatingin ako sa kanya. Naputol kasi ang pag-uusap namin kanina nang siya na ang sumunod na tinawag pagkatapos ni Hendery.

"So...naririnig mo rin 'yon, Shana?" I asked. She nodded. "Kailan pa?"

"Simula nang magpunta tayo sa old library." Nanlaki ang mga mata ko.

"Wait. What are you girls talking about?" Hendery asked so I looked at him. Puno ng kuryosidad ang kanyang mga mata.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?" tanong ko

"I was observing." she said. "Akala ko, it's just a ghost. I used to ignore ghosts since the beginning. But this one...this one's different."

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha.

"Then what is it?" Lawrence asked

Sandaling katahimikan ang namayani. Napapayuko si Shana saglit saka naging sunud-sunod ang kanyang naging pagbuntong hininga. Tuloy ay nagkatinginan kaming apat.

"We need help from paranormal experts." sagot niya

"Oh my god." Napatakip ng bibig si Ninia and so I did. Nakita kong nanlaki rin ang mga mata nina Lawrence at Hendery. Alam na namin kung kanino nanggagaling ang bulong na 'yon but we still need confirmation.

"Tell us what is it first, Shana." giit ni Lawrence. "Please tell us."

Shana sighed. "It was the devil."

Nagsimula nang manginig ang mga kamay ko sa kumpirmasyon na iyon. Lalo pa nang biglang humangin ng pagkalamig-lamig.

"W-what a-are we going to do now?" Ngayon ko lang nakitang kabahan ng ganito si Lawrence simula nang makilala ko siya.

"As I said, we need help from paranormal experts or the church.--"

Ninia interrupted her. "So it means...kagagawan din niya ang..." Nanlaki ang mga mata niya when Shana nods.

Kinabukasan, pagkapasok ko palang sa gate ay kaagad akong sinalubong ni Sir Art. May dala siyang libro at napansin kong pamilyar iyon. At hindi nga ako nagkamali nang isipin kong ipapabalik na niya sa'kin 'yon sa old library.

"Kung natatakot kang magpunta do'n, pwede ko namang iutos na lang sa iba." he said nang hindi kaagad ako nakasagot.

Umiling ako. "Ako na lang po, sir." I said sabay kuha ng libro mula sa kanyang mga kamay. Ngumiti siya saka tumalikod. Maglalakad na sana ako nang bigla ulit siyang humarap sa'kin.

"May ipapakuha ulit sana ako sayo." he said and I gulped. Akala ko ay makakalabas kaagad ako sa old library pagkabalik ko ng libro, pero mukhang akala ko lang pala 'yon. "There's this holy bible, it was blessed by the Pope in the Vatican. I want you to get it."

Napamaang ako sandali saka dahan-dahang tumango. Nang makaalis siya ay dali-dali akong nagpunta sa aming classroom.

"Gusto mo, ako na lang ang maghanap sa bible para makalabas kaagad tayo dito?" Lawrence asked habang naglalakad kami dito sa old library. I went closer to him nang dahil sa sinabi niya. He chuckled. "Fine. We'll look at it together."

I shyly smiled and nodded. Nang maibalik ko ang libro sa dati nitong kinalalagyan ay napangiti ako. Tiningnan ko si Lawrence sa tabi ko at nagulat akong wala na siya doon.

"Lawrence?" I called, but I received no response. He told me that we'll look for the bible together, pero ba't iniwan niya akong mag-isa?

I tried calling him once more but I still got no response. Kahit natatakot ay lumingon-lingon ako sa bawat parte ng library, nagbabasakaling makita ko siya.

The UnholyWhere stories live. Discover now