Chapter 1

4 2 0
                                    

Napapikit ang mga mata ko nang makita ang score sa aking math test paper. Siguradong mapapagalitan ako ng kapatid ko kapag nakita nanaman niyang bagsak ang score ko.

"Mitzi! Kanina pa kita tinatawag hoy!" Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon at nakita kong si Ninia pala ito.

I sighed. "Talaga? Hindi ko narinig."

She rolled her eyes. "Duh? Paano mo ako maririnig eh titig na titig ka diyan sa test paper mo! Ano? Bagsak ka nanaman?" Tingnan mo 'tong babaeng 'to, lakas mang real talk.

I sighed once again. "Ano pa nga ba? And ano ba 'yong sasabihin mo? Importante ba 'yan?"

Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sa upuan ko at halos mapilay ang braso ko nang bigla niya itong hilain.

"Kami na ni Daze!" she said. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nagseselos, pero nanghihinayang ako dahil akala ko ay si Daze at ang school theater main actress namin ang magkakatuluyan. Tiningnan ko si Ninia at kitang-kita ko sa mga mata niya ang saya at mistulang kumikinang pa ang mga ito.

"S-sigurado ka?" tanong ko. Pero imbes na sagot ay isang malakas na batok ang nakuha ko mula sa kanya.

"Nanghihinayang ka 'no? Mas bagay kaya kami ni Daze kaysa do'n sa babaeng 'yon." nakasimangot na sambit niya, tinutukoy ang main actress.

"Okay, class. Go back to your seats." Mabilis kaming umayos ng upo nang bumalik na ang teacher namin dito sa classroom. Mabilis ding lumipas ang oras at nakita ko na lang ang sarili kong nandito na sa cafeteria kasama ng mga kaibigan ko para kumain ng lunch.

Tiningnan ko sila isa-isa habang kumakain. Si Lawrence, abala siyang naglalaro sa kanyang phone. Si Hendery, nakasalpak pa ang AirPods niya sa kanyang tenga. Si Ninia, halos tunawin na si Daze na abalang kumakain sa kanyang titig. At si Shana...nanlaki ang mga mata ko nang makita kong malapit nang mahulog ang maliit niyang bible sa mesa, pero mabuti na lang ay kaagad niya itong nakuha.

"Guys, pakitingin saglit ng pagkain ko, mag-arena lang ako." Lawrence said kaya napatingin kami sa kanya. Aalma na sana ako nang mapansin kong seryoso na siya sa paglalaro.

"Yuck, Ninia. Ganyan ka na ba ka-inlove kay Daze? You look obsessed with him." sabi ni Hendery

Sinamaan siya ng tingin ni Ninia. "Kumain ka na lang diyan. Hindi ko kailangan ng opinyon mo." And they started dissing each other once again. They're always like this and walang makakapigil sa kanila, except Shana. Naalala ko tuloy noong minsang pinagalitan niya ang dalawa, pakiramdam ko ay pati ako ay kanyang pinapagalitan.

And I was right. Shana cleared her throat and the two stop from hitting each other's head. Si Daze na abala sa pagkain ay napatigil. Narinig kong natawa naman ng mahina si Lawrence na busy pa rin sa paglalaro.

"Later, after class, pupunta tayo sa old library. Nando'n ang mga kailangan natin sa research kaya no choice tayo kundi doon magpunta." Shana said

"D-diba bawal magpunta do'n? It is believed that there are ghosts that are living there." kinakabahang sabi ni Hendery.

Shana sighed. "Kaya nga no choice tayo. Kahit mag-search tayo sa internet or sa new library, wala tayong makakalap na impormasyon doon. Don't worry, hindi Niya tayo pababayaan. He's with us."

I gulped. Kahit ako natatakot na. Tama ang sinabi ni Hendery. Mas lalo akong kinabahan dahil nakabukas ang third eye ni Shana. I gulped once again and nang tumingin ako sa kanya ay nagulat ako dahil nakatingin na pala siya sa'kin.

"B-bakit?" I asked. Umiling lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Naging triple na tuloy ang kaba ko dahil baka may nakita na pala siyang multo sa aking likuran nang hindi ko man lang alam.

The UnholyWhere stories live. Discover now