Chapter 42: He begs

Start from the beginning
                                    

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Nasasaktan ako para kay Marmyx. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa akin, nagawa ko pa siyang layuan at palayuin. Funny that I don't want him to be hurt but in the first place, I was hurting him unknowingly.

"Hindi mo ba gusto si Myx?" Jyll asked, seriously looking straight into my eyes. Again, ayan na naman ang mga tingin niyang hindi ko maintindihan. Parang dati isang lingon pa lang, nababasa ko na agad ang iniisip niya, ngayon naman ay hirap na hirap akong tantiyahin ito. It feels like I don't know him anymore.

Jyll. Jyll is my first love and I admit, siguro nga mahal ko pa talaga siya. Hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya o ewan. Basta alam kong kinakabahan pa rin ako kapag nandiyan siya. Gusto kong makausap siya nang tulad ng dati. Gusto kong maibalik 'yong mga panahong nasayang sa aming dalawa.

Si Myx naman, he was there when the one I wanted was out of reach. Siya 'yong nasasandalan ko kapag down ako sa lintik na pagmu-move on. Hindi man ako magsabi sa kaniya, he understands how I feel right away. Even I was and am still hurting him, nandiyan pa rin siya. He never gave up on me. Kaya lang hindi niya deserve 'yong ganoong treatment. He deserves someone better, someone who will accept him and love him as much as he do. It's not me.

"Hindi mo sinasagot 'yong tanong ko," Jyll said again. "Hindi mo ba gusto si Myx?"

I did not respond. I heard the song from the gym, mukhang itinuloy na ang program. I wonder how everyone thinks of us. Sana makalimutan na lang rin nila kaagad ang nangyari kanina.

"Chrysa," tawag pa niya ulit.

Hindi ko masagot ang tanong niya. Bakit kasi tinatanong pa? Sa totoo lang, kahit sino pwedeng magkagusto kay Myx. Kung hindi siguro ako na-stuck kay Jyll, baka na-fall na ako kay Myx. He is every woman's ideal man.

Jyll is different from Myx. Kung sa iba't ibang aspeto, lalamang si Marmyx. Pero si Jyll, siya 'yong taong hindi ko makalimutan sa hindi ko matukoy na dahilan.

Paano nalimutan ang lahat

Na kahit konti, walang pasabi

Paano nalimutang banggitin

Na nagbago pala ang pagtingin

"Jyll," I started. "Tinatanong mo 'di ba kung gusto ko si Myx?" He nodded.

Ang labo ng pakiramdam. Nagpa-flashback lahat ng memories naming dalawa. Lahat ng mga gala, lahat ng mga sweet gestures, lahat ng mga salitang pinagsasabi namin sa isa't isa. Lahat as in lahat.

Ooh

Ooh

"Gusto ko siya," I answered. Panaka-naka pa akong napasinghap dahil sa pag-iyak kanina.

Wala na rin naman kahit na balikan

Wala na ang tamis no'ng ika'y nahagkan

At sa huling paalam naintindihan

Na sa ating dalawa

May ibang nakalaan

"Kung pwede lang si Myx na lang. Pero ikaw 'yong laman nito eh," I pointed out my heart. "4 years na tayong wala pero ikaw pa rin Jyll."

Gusto ko siyang sumbatan ngayon din. Gusto kong sabihin sa kaniya na naiinis ako dahil ang hirap-hirap niyang kalimutan. Ang hirap kumawala sa nararamdaman ko sa kaniya. Ang sarap niyang tirisin kasama ng mga ala-ala.

Paanong burahin ang sandaling

Naiguhit sa panaginip

At kung sa paggising ikaw pa rin

Anything For You, Beks [Heartbreak Series #1]Where stories live. Discover now