Prologue: Hemingway Academy (The Circle of Time)

37 14 3
                                        

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters , businesses, places, event's , locales and incidents are either the products of the author's imagination or uses in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead , or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS CRIME

PLAGIARISM IS CRIME

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

*****

May isang babaeng naglalakad patungo sa sakayan ng bus. Unang tingin mo pa lang dito ay tiyak na maaakit ka na. Hindi naman maitatanggi na likas talaga itong maganda. Nakayuko ito habang nagtitipa sa kaniyang telepono. Naghihintay ito ng bus na masasakyan niya patungo sa kaniyang bahay. Halatang inip na inip na ang dalaga dahil ilang minuto na rin kasi siyang nagaantay.


Habang sa kabilang dako naman ay may isang lalaki na tumatakbo. Mabilis itong kumilos at tila ba'y hindi ito ordinaryo. Sa mga mata ng tao ay hindi nila nakikita kung sino ang humahabol sa makisig na lalaki. Ngunit malinaw naman rito na nais siyang makuha ng mga ito, siya nga ba ang nais?


Habang naghihintay ang dalaga ay bigla itong natumba sa matigas na semento. Ininda niya ang sakit sa kaniyang tagiliran at kaliwang paa. Handa na itong sitahin ang sino mang bumangga sa kaniya ngunit hindi na niya namataan ito. Napakunot ang noo ng dalaga dahil sa pagtataka. Sa isip isip niya ay kaybilis namang nawala ang bumangga rito.


Habang siya ay tumatayo ay may nakita siyang libro malapit sa kaniyang paanan. Nanlaki ang kaniyang mata at agad iyong kinuha. Sa paglapat ng kamay niya sa libro ay may kakaiba siyang naramdaman. Namangha ito sa desenyo ng librong hawak niya.


"Ang ganda naman nito" bulong ng dalaga.


Inilandas nito ang kaniyang kamay sa bawat sulok ng libro. Maihahambing niya ang libro na ito sa mga napapanood niya sa fantasy movies. Mahiwaga ito para sa dilag dahil hindi pambihira ang itsura nito. Ilang sandali pa ay napadako ang kaniyang mga mata sa nakasulat sa bandang gitna ng libro. Sa isip niya ay iyon na siguro ang pamagat nito.


Kumunot muli ang noo ng dalaga dahil hindi niya maintindihan ang nakasulat roon. Ngunit nabasa naman niya iyon kahit papaano. Napansin niya sa baba na may nakasulat sa lengwaheng ingles. Madali niya itong nabasa dahil simpleng stop, rewind at fast forward lamang ang nakalagay roon. Sa isip niya ay may kinalaman siguro ito sa oras o di naman kaya sa panahon.


Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pagdating ng sasakyan na kanina pa niya inaantay. Nahihiwagaan man ang dalaga ay minabuti niyang pumasok agad sa loob ng bus sa takot na maiwanang muli. Tumingin uli ito sa libro niyang hawak bago ilagay sa kaniyang bag.


"Chronikós Kýklos, what is this?"


Habang sa kabilang dako naman ay mabilis pa ring tumatakbo ang lalaki upang matakasan ang mga nilalang na humahabol rito. Napansin niya na hindi na nakasunod ang mga ito sa kaniya kaya mabilis siyang tumigil at napabuntong hininga. Matapos nitong makahinga ng sandali ay agad siyang nagtaka kung paano niya naituon ang dalawa niyang kamay sa kaniyang tuhod gayong may hawak siyang libro. Doon napansin ng binata na hindi na niya hawak ang kaniyang iniingatan kanina pa.


Agad itong napasabunot sa sarili at naging balisa. Sigurado siyang hindi iyon nakuha ng mga nilalang na humahabol sa kaniya. Inalala nito ang mga lugar na kaniyang natakbuhan kanina at ilang sandali pa ay sumagi sa isip niya na may nabangga siyang dilag malapit sa sakayan ng bus. Mabilis pa sa alas kwatro na pumunta siya doon ngunit bigo siyang makita ang libro maging ang dalaga.


"Kapag nalaman ito ni tanda paniguradong lagot ako!" inis na bulong ng binata.


Agad na binalikan ng binata ang ilan sa lugar na kaniyang napuntahan kanina hanggang sa sumuko na ito sa kakahanap. Sigurado siyang may nakakuha ng libro, ang hindi niya alam ay kung sino.











"Ano ng gagawin ko?"

*****

AUTHOR'S NOTE

Hello, this is my first time writing a fantasy novel. Hope you like it, I'm not perfect so expect wrong grammar and typo. Maaga na akong nagpapaalala na hindi ako magaling na manunulat ngunit gagawin ko ang lahat ng best ko para maging maganda ang kwento na ito. Matagal ko ng gustong magsulat ng fantasy, sana ay maging matagumpay ito.

-nthmacaria

Hemingway Academy (The Circle of Time) Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang