CHAPTER EIGHTEEN (The True Identity)

104 3 0
  • Dedicated to Jhoana Marie Evangelista
                                    

"Adrianne's my daughter..."

- Christian -

---

"LOVELY," Christian whispered as he stared into her eyes. Ang mga siko nito ay nakatukod sa gilid ng sofa na natitiyak ni Maristel na ang paglundo ay hindi na maibabalik sa dati.

Kapagkuwa'y binaliktad ni Christian ang posisyon nilang dalawa sa pamamagitan ng paghiga sa kabilang bahagi ng sofa at hinila siya sa ibabaw nito. Her place on top of him was so familiar. She enjoyed the sensation of being cuddled against his long, lean body.

"I love you, Chris. There's no other but you," she whispered back. Mists were forming in her eyes.

"I know. Kahit na nagdaan pa si Jonathan sa buhay mo, Mari. And that made me love you more. More than you'll ever know."

She tensed. "Chris..." 

"Adrianne's my daughter."

Biglang gumuhit ang takot at guilt sa mukha niya. But Christian smiled gently, albeit a little sadly. He caught her hand and nipped lightly at her fingers.

"Ikinalulungkot kong wala ako sa panahong ipinagdadalang-tao mo ang ating anak." he said with a catch in his voice. "Ikinalulungkot kong wala ako nung isilang mo siya at sa bawat araw na lumipas na mag-isa mo siyang itinaguyod."

"P-paano mo nalaman? Marjorie told you?"

Umiling ito. "Hindi kailanman ibibigay ni Marjorie ang sikreto mo."

"Then who?"

"Your father."

Lumalim ang gatla sa noo niya. She sat up. Subalit hindi siya makaalis sa pagitan ng mga binti nito para umayos ng upo. "H-how? Why?"

"Ipinagtapat mismo ng harap-harapan ng Daddy mo sa amin. Noong una'y ayaw naming maniwala pero inilabas niya ang photo album ni Adrianne. And we were so shocked pagkat kamukhang-kamukha ni Mama si Adrianne lalo na kapag naaalala nila ang pagkabata nila. At mas naniwala na kami nang ipakita ng Daddy mo ang resulta ng DNA Test na ipinagawa niya kay Dr. Carpio kahapon. It matches mine."

Mari was speechless.

"My god, Mari. I was both shocked and angry with you. I wanted to come back and confront you. It was my mother who stopped me. Wala na raw magagawa kung babalik-balikan pa ang nakaraan at patuloy na magsisisihan. Kung ano man ang dahilan ng pag-alis mo'y may bahagi ako sa kasalanan. Na ang pangalawang pagkakataong parehong ibinigay sa atin ay dapat kong samantalahin dahil hindi na ito mangyayaring muli. Na dapat kong isipin ang dinanas mong hirap sa pagpapalaki sa anak natin ng nag-iisa. And that stopped me. In more ways than one, tama si Mama. I blamed no one but myself, sweetheart."

Hindi niya namalayan ang pag-agos ng mga luha niya. Pinahid iyon ni Christian ng mga palad nito at itinaas ang katawan at hinagkan siya. Hindi niya makuhang magsalita. Nagsisikip ang dibdib niya dahil gusto niyang humagulhol at pakawalan ang lahat ng sakit ng damdamin na inipon niya mula nang magbalik siya sa lungsod na iyon.

"Tiniyak ko sa sarili kong hindi ako titigil hangga't hindi kita mapapapayag na magpakasal, Mari. That I'll indulge you for a while, at the same time, I'll also start to woo you."

"Chris, you didn't woo me. You started attacking me sexually!" she said indignantly.

He laughed. "You enjoyed it, baby. We both enjoyed it." Kapagkuwa'y sumeryoso ito. "I've missed you." Hinila siya nitong muli pahiga sa dibdib nito. "Magsimula tayong muli, Mari."

"Yes. From now on."

"So very, Mari. Wag kang mag-alala, nakausap ko na ang mga magulang ko tungkol sa bagay na ito. Maging ang pamilya mo, naka-one on one ko na rin."

"Anong sabi nila?"

"Na pumapayag sila. Basta ba wag na ulit kitang sasaktan. Or else, sila na ang makakalaban ko. It's me against the world, ika nga."

Natawa na lang siya sa sinabi nito.

"Chris..."

"Hmm..."

"Okay lang ba sayo kung sa Maynila na tayo manirahan pagkatapos ng kasal nating dalawa?"

"Walang problema sa akin. Basta't lagi ka lang nandiyan sa tabi ko, kahit na sa outer space pa tayo mapadpad, basta't kasama lang kita, okay na ako...and, oh..." He raised his head and looked at her uncertainly. "Matatanggap mo ba si Jillian bilang anak natin?"

"With all my heart, Chris. At least, may ready made sister na si Adrianne. If you notice, Adrianne was so protective of her sister."

"Salamat. Maraming maraming salamat sa pangalawang pagkakataong ibinigay mo sa akin, Mari. Pangako, hinding-hindi na mauulit pa ang mga pagkakamali ko noon."

"At ipaglalaban ko na ang pagmamahalan natin." she said happily.

"Pero magbihis na tayo diyan at baka ma-late pa tayo sa dinner na ipinahanda ni Ate Jhoana sa restaurant nina Mickson." sabi nito sabay abot ng mga damit sa kanya.

"Okay." at.nagbihis na sila ng mga damit nila. 

Pagkabihis nila'y magkaakbay na silang lumabas sa Spanish House.

(Miguel's picture at the side --->)

(Vote, Comment and Support)

THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Where stories live. Discover now