CHAPTER SEVENTEEN (Love Find Ways)

119 3 0
  • Dedicated kay Leonard Galacio
                                    

"Ang pag-ibig na tunay ay naghahanap ng daan upang ito'y muling mapag-ugnay."


- Miguel Encarnacion -



—-


LUNES.


NAKATANAW si Maristel sa malawak na karagatan sa labas ng Spanish House. Ilang taon din bago siya makabalik sa lugar na itinuring niyang paraiso mula sa kanyang kainosentehan hanggang sa kanyang pagbabagong-anyo bilang isang makapangyarihan at maimpluwensyang babae ng kanyang henerasyon.


"Kamusta ka na, hija. Ilang taon ka nang hindi nagagawi rito." 


Napalingon siya at nakita niya si Mang Miguel na nasa tabi niya. Wala na ang suot nitong sumbrerong gawa sa anahaw pero nakasuot pa rin ito ng damit pambukid. At noong nakita na niya ang kabuuang itsura nito ay hindi niya maiwasang mamangha dahil medyo magandang lalaki ito sa kabila ng katandaan.


"Kayo po pala, Mang Miguel. Kamusta na po kayo?" 


"Heto, maayos naman. Nag-aalaga pa rin ng mga halaman." magiliw na sabi nito kasabay ng isang simpleng pagngiti.


"Mabuti naman po kung ganun." ang napangiting sabi ni Maristel kasabay ng isang malalim na buntung-hininga. "Aaminin ko po, namiss ko po itong lugar na ito."


"Ikaw din. Namiss ka din ng lugar na ito. Lalo na ng lalaking kasama mong nagpupunta dito noon."


"Si Christian po ba ang tinutukoy ninyo?" diretsahang tanong niya sa matanda.


"Oo. Siya nga. Walang araw na hindi siya pumupunta dito, sa pag-asang makikita ka niya ulit."


Natigilan siya sa sinabi ng matanda. Kung ganun...talagang hinintay siya nito?


Hindi niya maiwasang ma-guilty sa mga ginawa niya rito.


"At ang natatandaan kong sinabi niya, hindi raw siya titigil hangga't hindi kayo tuluyang nagiging masaya. Gagawin niya ang lahat, bumalik ka lang sa kanya."


That makes her very guilt. Not only for herself, but for the man she loves.


"Mang Miguel... ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Napakalaki. Tama si Marjorie. Hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon para magpasya sa aming dalawa. Sinaktan ko siya sa mga kasinungalingan ko. Pati ang namayapang kaluluwa ng asawa ko, dinamay ko pa, mapagtakpan ko lang ang damdamin ko. Tsaka hindi ko naamin sa kanya ang totoo...na si Adrianne ang anak niya sa akin. Pero nung nakita ko siya kanina, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nung naramdaman ko ulit ay yakap at halik niya, parang ayaw ko na siyang bitiwan pa. Parang gusto ko na lang manatili sa tabi niya habambuhay. Mang Miguel, gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto ko pa ring sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa rin siya." at hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na mapaiyak sa harap nito. Tahimik siyang niyakap at pinatahan nito.

THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon