CHAPTER EIGHT (The Break-Up)

81 3 1
  • Dedicated kay Danica Valeriano Sim
                                    

"You just made a huge blunder, my dear."


- Christian -




—-



ALAS-SINGKO ng hapon at kakatapos lang niyang magluto para sa hapunan. Wala si Jelene at malamang na hahatinggabihin na naman ng uwi. Walang kontrol ang lola niya sa pinsan niya at hindi na sinusubukan ng abuela niya na alamin pa kung saan-saan ito nagpupunta at hinahayaan na lang ito sa gustong mangyari sa buhay nito.


Dala ang libro para mag-review sa exam nila sa susunod na araw ay nagtungo siya sa swing sa may gilid ng bahay nila. Bagaman kaharap ng gate ang nila ang bahaging iyon ng swing ay hindi agad mapupuna kung may tao roon lalo kung papadilim na dahil natatakpan iyon ng malalagong puno ng San Francisco at gumamela.


Hindi pa siya natatagalang maupo sa swing nang marinig niya ang pagparada ng Camarro ni Christian sa tapat ng bakuran nila. Mula sa siwang ng mga malalagong halamanan ay nakita niyang tila nagpapaligsahan sa pagbaba sina Christian at Jelene. Si Jelene ay nagmamadaling makapasok sa gate.


Akma nitong isasara ang gate na kawayan nang abutan iyon ni Christian at marahas na itinulak iyon. Hinawakan nito sa braso si Jelene at sapilitang iniharap dito.


"Dammit, Jelene!" sigaw ni Christian dito. "Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa akin?!"


Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niyang sinigawan ni Christian si Jelene sa loob ng anim na buwang pagiging magkasintahan ng mga ito.


"Ano bang gusto mong marinig, Christian?!"


"The decency of breaking up with me before jumping to bed with another man!" he said angrily. Subalit bago makasagot si Jelene ay dinugtungan ni Christian ang sinabi. "Kunsabagay, anong decency ang hahanapin ko sayo?! You are only nothing but a cheap whore wearing student's uniform!"


Umangat ang kamay ni Jelene para sampalin ito subalit naagapan iyon ni Christian. "At si Louie pa talaga ang napili mong patulan?! Kailan nyo pa ako niloloko, Jelene?!"


Bahagyang umatras si Jelene at nakita ni Maristel na ang takot sa mukha nito. Marahil dahil totoong galit si Christian at kinakabahan itong baka kung ano ang gawin nito rito. Though she didn't believe for one moment that Christian was capable of hurting Jelene or any woman for that matter.


"Hindi mo ako masisisi!" ganti ni Jelene na sinisikap maging matapang. "Responsable si Louie at nakahanda akong pakasalan!"


"Well, that's a relief," he said, his voice a mixture of anger and insult. "At least, may sense of responsibility naman pala si Louie."


"May trabaho si Louie! And he's—-"


"Trabaho?!" Puno ng pang-uuyam ito. "Ipinagmamalaki mo ba sa akin ang trabaho ni Dante sa feed store na pag-aari ni Papa?!"


THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon