CHAPTER SIXTEEN (Tears From The Innocent)

96 3 0
  • Dedicated kay Mhe An
                                    

Jillian....the beautiful, fragile-looking little girl...

---

NALULUHANG nakayakap si Maristel sa bata. May awang humaplos sa puso niya. Jillian was a beautiful fragile looking little girl. Kasing-edad ni Adrianne at bagama't matangkad ng kaunti si Jillian ay payat ito at tila palaging takot. There were tears in the girl's eyes. She looked afraid, too.

"Sssh...don't cry. Please, don't cry. I'm only here." umiiyak niyang sabi habang yakap-yakap ang bata. Si Jillian naman ay hindi tumigil sa pag-iyak hanggang sa naramdaman niyang nagwawala na ito kasabay ng nanghihilakbot nitong sigaw. Doon na sumaklolo sina Crestina at Christian. Saktong pagpasok ni Leonard kasama ang nurse sa loob ay agad itong lumapit sa kanila. At mas lalong nahambal ang damdamin niya nang makita niyang tinurukan ito ng tranquilizer ng nurse, dahilan para unti-unting nawalan ng malay si Jillian. Agad niyang inihiga ang bata sa sofa.

"Bakit ninyo pinaturukan ng tranquilizer si Jillian? May sakit ba ang bata?" she worrying asked.

"Walang sakit ang bata. Pero sobrang na-trauma siya sa panghohostage sa kanya ni Jelene nung isang araw. Isang araw na siyang nagkakaganyan." malungkot na paliwanag ni Christian habang nakatitig ito sa bata. "Kasalanan ko kung bakit nadamay si Jillian sa mga pinagagagawa ng nanay niya."

Mas napaiyak na lang siya sabay subsob ng mukha niya sa kamay ng bata. Agad siyang niyakap ni Adrianne na umiiyak na rin nung mga sandaling iyon.

"Mommy...what's happening to Jillian?" umiiyak na tanong nito sa kanya.

"Sssh. Don't worry, darling. She's only sleeping. Gigising din siya mamaya." alo niya sa bata.

"I hope, Mommy." ang sabi pa nito sabay yakap sa natutulog na si Jillian. Si Christian naman ay hindi na rin napigilan pa ang emosyon, napaiyak na rin ito sa tabi ng kanyang anak. Mas nakaramdam siya ng awa habang pinagmamasdan niya ito habang hawak ang kamay ng kanyang anak.

"Napakawalang-hiya talaga ng Jelene na yan kahit kailan!" Crestina said very angrily. "Hindi na siya naawa sa bata! Napakasama niya!"

"Tina, tama na. Wag mo nang ungkatin pa ang nakaraan. Tsaka, nandito si Maristel." sabay tingin ni Leonard sa kanya.

"No, Sir. It's okay. Natural lang na magalit si Ma'am dahil sa nangyari sa apo niya. Maski din naman po ako. Magagalit po ako kapag may masamang nangyari sa anak ko. Baka nga po makapatay pa ako ng tao." sabad niya sa mga ito, dahilan para agad ding nawala ang galit sa mukha ni Crestina.

"Napakabuti mo talagang ina, Mari. Ang swerte ng anak mo sayo. Sana'y ikaw na lang ang totoong ina ni Jillian." sabi ni Crestina na saglit na nagpatahimik sa kanya.

Oh, how she wish to be mother of Jillian...

THE DAY SHE WENT AWAY (Completed Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon