"P-po? Yes po magluluto na po ako" wala sa sarili kong usal.

Natigilan ako ng mangunot ang noo nya?

'Mali ba?'

"I'm not asking you to cook. I'm asking you, what exactly are you doing here"

Namutla ako dahil sa sariling katangahan. Stike two na ako sa kahihiyan ngayong araw at pag hindi ako nagtino siguradong madadagdagan pa ang listahan ko.

"Huh? A-ano po... Napa... Napadaan lang po kasi p-pupunta po ako sa kitchen para magluto. Opo yun nga. Mag... Magluluto" natataranta kong sagot dahil tila agila syang nakatingin sa akin.

I have this feeling na kita nya pati ang bawat pagkubot ng labi ko para magsalita pati na rin ang bahagyang panginginig noon.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin kaya hindi na sya nagkomento pa at nakayukong umalis ako sa tapat ng pinto para makapasok sana sya pero hindi sya gumalaw.

"I'm gonna watch you cook" deklara nya.

Automatic na nagtaas ako ng ulo at tumingin sa kanya gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Ma'am I thought you're going inside" pre-occupied kong sambit at dahil kabado ako, halos pabulong na lang iyon na lumabas sa bibig ko.

"No. I told you, papanuorin kitang magluto"

I DON'T know how exactly I looked okay even I'm kinda freaking out deep inside but I know, I am a great pretender. I acted normally and treated her like an air, nag e-exist pero hindi ko nakikita.

Hindi ko rin alam kung paano ako naka-surive ng maayos sa paella negra na niluto ko o kung maayos nga ba yun. It looks okay and I hope it taste the same as it looks like it is, or better yet I hope it taste good.

Kalmado akong nagse-set ng table ng tumayo sya sa kinauupuang high stool sa kitchen at lumakad patungo sa direksyon ko. Nakakahiya na nahuli nya na naman akong nakatingin sa kanya pero anong magagawa ko sa agaw-pansin nyang presensya?

"How can I help you?" tila reyna nyang tanong.

Yung sa sobrang confidence at lamig ng boses nya pipiliin ng sinuman na yumuko at magbigay galang. Ang katulad nya ay never kong na-imagine na nagse-set ng hapag sa mala palasyo nilang tahanan o kahit dito sa villa ng anak nya.

"Spacing out again, I see"

Ipinilig ko bahagya ang ulo ko at pasimpleng kinurot ang sarili. Now more than ever I need sanity and presense of mind.

"No ma'am I can do this alone"

Tiningnan nya ang hawak kong mga baso na para bang may mali doon at kunot noong nagmartsya patungo sa gilid ko kung saan nakalagay ang iba pang utensils.

Now I know where Zurich gets his persistence.

"Israel and Keiv will surely come over. Maraming mga bagay ang ise-set mo kaya hayaan mo na ako" she informed me and give me command all at the same time.

Wala akong nagawa nang magsimula na rin syang mag arrange ng table kasama ko. Bahay naman ito ng anak nya at baka itapon nya ako palabas kung kokontrahin ko sya.

Hindi formal ang lamesa kaya nagmukha lang iyong ordinaryong breakfast table na parang hindi bagay sa kanya. The table was set for eight person but it can accommodate sixteen because the table was long and the dining room was huge.

Nagkatinginan kami ng mailapag ko sa mesa ang pinakahuling kutsara na hawak ko.

"We are done ma'am" I nervously informed her even it was very obvious.

Fire of Seduction (Completed)Where stories live. Discover now