Kabanata 37

6.6K 158 31
                                    

KABANATA 37

"DAMN you Darvin stay out of my panties!"

"Hey! Shit. Nakita ko lang sa laundry"

"Sabing bitawan mo yan eh!"

Palabas pa lang ako sa kwarto pero dinig na dinig ko na ang sigawan nilang dalawa. Kasabay naming kumain ng dinner si Darvin kagabi and if my assumptions are correct, o talagang tama nga ang hinala ko na natulog sya sa kwarto ni Tammy, hindi nakakapagtakang nandito sya early in the morning.

Pagkagaling ko sa trabaho kahapon, naabutan ko din silang nag aaway dahil sa papanuoring pelikula. Tammy wants horror while Darvin wants romance.

"Good morning!" masigla kong bati sa kanila.

Natigil ang bangayan nila at parehong natahimik.

"Anyare? Parang nag cease fire ah? Referee ba ako?"

"Yung panty ko kasi Darvin ibaba mo yan" asik ni Tammy.

"Ang cute kaya... Lacy oh" pang-aasar ni Darvin at iwinagayway pa ang hawak na garnet red underwear.

"Damn you. Argh..."

I chuckled with their position.

Darvin is tall kaya hindi magawang kunin ni Tammy ang panty sa kamay nya. Tumatalon-talon pa sya pero wala syang nagawa dahil iniiwas yun ni Darvin.

"Praia papasok ako sa trabaho" baling nya sa akin.

I tilted my head towards Darvin's direction dahil pangisi-ngisi lang sya.

"How about you?"

"Alalay nya ko" aniya at inginuso si Tammy na parang bulkan na malapit nang sumabog sa inis.

"May kompanya ka ugok" asik ni Tammy na ipinagkikibit-balikat lamang ng lalaki.

"So what? I'm the boss"

And there. The fight started again. Something is fishy between them. Kahit 'friends' lang sila.

"REMEMBER me kuya?" tanong ko at tumigil sa harapan ng guwardiya.

Pagkatapos ng trabaho ay agad akong nag pack ng mga gamit kasama si Tammy para umuwi.

Tama na ang naitulong nya sa akin at ang panahon na ginugol ko sa condo nya. It's time for me to face the reality. My life.

"M-Ma'am good morning po" kanda utal-utal sya sa pagbati sa akin.

Kita ko ang pamumutla nya gaya ng ibang nakahanay na kasambahay at ikinataas yun ng kilay ko.

Alam kong trabaho lang nya ang ginawa nya nung araw na magpunta ako dito dahil utos yun ni tita pero hindi nawawala sa utak ko ang nakakabastos at nangmamaliit nyang tingin sa akin.

"I have a bad news and good news for you all"

Halos sabay-sabay na lumaylay ang balikat ng mga ito.

"Bad news, ako na ang may ari ng bahay na ito at good news, wala akong tatanggalin"

I saw how they rejoice as they heard what I've said.

"Isa lang ang gusto kong ipangako nyo sa akin. I want your honesty, is that too much to ask?"

Nagtanguhan sila at agad ko silang iniwan doon para tingnan ang kwarto ko na kinailangan pang i-unlock ng isang maid.

Ikinandado pala yun ni tita. Wala namang masyadong nabago sa bahay maliban sa mga kurtina at ayos ng ilang muwebles. Malinis naman at at oraganisado kaya walang problem.

Fire of Seduction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon