CHAPTER 13

25 1 1
                                    

Lumipas ang mga araw na hindi ko pa rin alam kung sino ang nasa likod ng account na intotheunknown na iyon, bahala na.

Inilibot ko ang tingin sa kapaligiran, dinama ko rin ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking pisngi, naka-jacket man ay tumatagos pa din ang lamig dito.

Kompleto na naman kaming lima, nandito kami ngayon sa tagaytay. Mabuti na nga lang at pare-parehas kaming mga walang klase kapag linggo.

"Ang sarap ng bulalo no." Ani Asher na pinagkikiskis pa ang palad dahil sa lamig.

Totoo ngang napakasarap ng bulalo, lalo na sa malamig na panahon dito na akala mo ay pinapalibutan ng aircon ang buong tagaytay.

"Ay totoo! Tsaka kasing hot mo! Bagay na bagay sa malamig na panahon. " Sagot naman ni Bella nang makapasok na kaming lahat dito sa Sky Ranch.

Ngumiwi nalang ako sa naging sagot nito kay Asher, pati si Veronica at Kendric ay ipinagsawalang bahala ang sinabi ni Bella. Tsk. Tsk. Tsk.

"Saan tayo unang sasakay?" Masiglang tanong ko, excited na ako.

Sumulyap naman sa akin si Kendric. "Tara sa Vikings tayo." aniya

"Up" mabilis kong tugon.

"Up" ani rin ni Asher

Mahahalata sa amin na kaming tatlo lang ang mahilig sa rides habang sina Bella at Veronica naman ay hindi, kahit anong pilit ay hindi namin sila mahikayat.

Matapos makapag-seat belt ay hinanda ko na ang sarili ko, gayun din ang dalawa, hindi mapatid-patid ang ngiti sa mga labi.

Nang magsimulang tumaas ay rinig ko ang sigaw ni Bella mula sa baba. "Hoy! Badeng mag-ingat ka! Ikaw din Asher! Gugustuhin mo pa ako! Salvador bahala ka!"

Natawa nalang ako sakaniya. Ang daming sinasabi. Pati ang mga kasama namin dito ay natawa kay Bella.

"Sagutin mo na kasi dude." pang-aasar ni Kendric.

Nangingiting umiling naman si Ash. Nako! Pupusta ako magugustuhan niya din si Bella.

Matapos ang sa Drop Tower ay dumiretso naman kami sa Vikings, ang saya lang, atlast! matapos ang pagka-stress dahil sa school works ay nagkaroon din kami ng pagkakataon na mag unwind.

Itinaas ko ang dalawang kamay, sinalubong ang hangin. Walang ibang maririnig kung hindi ang mga sigawan ng mga kasama namin dito. Habang ang dalawa na katabi ko ay prente lang na naka upo at kumukuha pa ng video at litrato. Napaka!

Lumipas ang oras at nagpahinga muna kami, sila Veronica at Bella ay may mga hawak nang tag-isang stuff toy.

"Naka magkano naman kayo diyan?" Tanong ni Kendric. Ngumuso si Bella habang naupo sa tabi ko.

"Baka nakakalimutan mo Salvador, sharp shooter yata ako." Mahihimigan ang yabang sa boses nito. Ayoko na talaga, hindi ko na talaga makasanay-sanayan ang ganitong ugali ni Bella. Help!

Tinignan ko ang mga ig story, naroon ang story ni Bella na magkasama kaming lima, may video din naming tatlo kanina sa Drop Tower.

Habang abala sa panonood ng mga ig story ay nabaling ang atensyon ko sa apat, mga nag-aasaran na naman. Palihim ko silang kinuhaan ng litrato, mababakas sa mukha nila ang saya.

Ipinagpatuloy ko ang pag-scroll sa ig at matapos noon ay dumiretso naman ako sa Twitter.

Natigilan ako nang una kong makita ang tweet ni intotheunknown, picture ko na naman ito. Hindi lang basta-basta na picture, dahil ngayon lang ito. Dito mismo sa kinauupuan naming pwesto sa may damuhan.

@intotheunknown: i love the view

Pinagmasdan kong muli si Kendric, hawak na nito ang kaniyang cellphone. Nakangiti.

Kumabog ang dibdib ko, hindi ko na naman ito matigil-tigil sa pagbayo.

Kendric...

Ayaw kong umasa, ayaw kong mag-tamang hinala.

"Uy! Ba't tulala ka diyan?" Ani Asher, nandito na ito ngayon sa harap ko naharangan ang pinagmamasdan kong si Kendric.

"Uhm... ano," Hindi ko malaman ang sasabihin. Huminga ako ng malalim. "Diba sabi mo hindi ikaw 'to?" Ani ko sabay pakita ng tweet ni intotheunknown.

Nangunot ang noo nito, marahil ay nagtataka rin dahil sa litrato. "Oh! Ngayon 'to diba? Ikaw 'to diba?"

"Oo. So if hindi ikaw 'to, eh sino?" Sabihin mong si Kendric please, sana parehas tayo ng nasa isip.

Pinagmasdan ko siya, nakalapat ang hintuturo sa baba nito, akala mo ay pinag-iisipang mabuti.

"Aha!" Gumawa pa ito ng tunog gamit ang Panggitnang daliri at hinlalaki, animong nagkaroon ng sagot ang 'di malutas-lutas na problema.

"Si Ken!" Pasigaw na aniya. Nanlalaki ang mata kong tinakpan ang bunganga nito, pero huli na ang lahat, nakatingin na ang tatlo sa amin.

"Oy Oy Oy. Why am I hearing my name huh?" Kagat-kagat ko ang dila ko.

Palihim kong kinurot ang tagiliran ni Ash.

"Ahh!"

Nakahalukipkip na lumapit si Bella sa amin. "Hoy, badeng inaagawan mo ba ako ha!?" Jusko po Lord, heto na naman tayo. Paano pa kaya kapag nalaman niya yung inamin sa akin ni Ash.

"Anong meron dude? Pinag-uusapan niyo ba ako?" Usisa na naman ni Kendric, hindi matahimik.

"Oo, pinag-uusapan namin kung gaano kakapal iyang mukha mo at ba'y napaka-playboy mo." Umirap ako dito tsaka tumayo.

"Where are you going?"

"Iihi. Bakit? Sama ka?"

"Sama ako Shan." Ani V saka tumayo at pinagpag ang pantalon. "Dito lang kayo ha. Stay put lang kayo guys." Paghahabilin ni V, akala mo naman ay tatatawirin namin ang dagat maka-ihi lang.

Habang naglalakad papuntang cr ay parang may matang nakamasid sa akin. Ano bang nangyayai sa akin?

Tumingin-tingin ako sa gilid, pero wala naman akong nakitang pares na matang nakatingin sa amin. Lahat ay abala sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Mauna ka na badeng" Ani ko kay V, iisang cubicle lang kasi ito.

Wala pang limang minuto ay lumabas na ito. Pagkapasok sa loob ay namangha ako dahil kahit na maliit ito ay sobrang linis naman nito.

Maya-maya lamang ay nakarinig ako ng katok. "Shan, kunin ko lang wallet ko ha? May churros!"

"Okay!" Sagot ko. Ayaw palampasin ang Churros!

Matapos maghugas dali-dali na akong lumabas, ngayon ko lang napagtanto, gusto ko rin ng churros!

Nahinto ako sa paglalakad ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Shan."

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

P-patrick?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Hi guys! Sorry po sa short update. Pasensya na din po at ngayon nalang ulit nakapag UD sobrang busy sa online class🤧 thank you din for those few peepz na nagbabasa💚💛

Secretly Loving My BestfriendUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum