CHAPTER 11

47 1 0
                                    

Lumipas ang mga ilang linggo at dumating na ang araw na pinakahinihintay ko. Nakangiti ako agad nang magising sa araw na 'yon.

Nilingon ko ang binatana, tumatagos doon ang sinag ng araw. Masaya ako ngayon dahil unang araw na namin ngayon sa eskuwelahan. Nakangiti akong bumangon at dumeretso sa banyo. Hanggang sa pagsesepilyo at pagligo ay hindi naalis ang ngiting iyon, panay ang din ang pag-kanta ko hanggang sa makabihis ako, simpleng dress lang na humahapit sa aking katawan at puting sapatos.

Pwede kaming mag civilian ngayon dahil first day palang naman, pero sa mga sususnod na araw ay dapat naka-uniporme na. May isang araw lang na washday namin. Iyon ang nakalagay sa reminder namin.

Maganda ang timpla ko ngayon dahil sadyang ako'y nasasabik na makasalamuha ng iba't-ibang mukha, classmates at professors. Wala akong mapaglagyan ng pagkasabik ko.

Natigil ako sa pagkanta nang makababa na sa sala, naroon na rin si Bella.

"Goodmorning!" Bati ko rito.

Pinagmasdan ko ang kaniyang suot, simpleng high waist jeans lang at pinaresan niya ng crop top.

"Good morning..." sagot niya habang isinusukbit ang bag sa balikat. "Tara na badeng, baka maipit pa tayo sa traffic." Aniya saka naunang lumabas ng bahay. Akala mo ay napakalayo ng school mula dito.

Pagkapasok ng campus ay muling lumitaw ang ngiti sa labi ko. Naghiwalay kami ng dereksyon ni Bella, dahil magkaiba naman ang aming kurso.

Inilabas ko ang aking registration form para malaman kung saang annex ang mga dentistry students para sa orientation.

Inabala ko ang sarili sa paghahanap ng naturang room, at hindi rin nagtagal ay nahanap ko na rin ito.

Pagkapasok ko ay marami-rami ng mga estudyante sa loob. Dumiresto ako sa pinakalikod. Ang kaninang excitement na nadarama ko ay parang unti-unting napapalitan ng kaba. Lahat sila ay tila ba magkakakilala na, habang ako ay tahimik lang dito sa likod.

Ang kaninang maingay na room ay tumahimik nang pumasok na ang professor. May bitbit na laptop sa kaliwang kamay. Umayos ako ng pagkakaupo.

Lumingon ako sa tabi ko nang may kumalabit sa akin. "Uhm... hi" aniya.

Nakaputing polo ito at may suot na salamin. Mukha itong mabait at masipag mag-aral. Naalala ko sa kaniya ang dating Asher.

Nginitian ko ito. "Hello,"

Hindi na ako natuloy sa pagsasalita nang tumikhim ang prof sa harap. Ang kaninang strikto nitong mukha ay napalitan ng maaliwas at magandang ngiti.

"Good morning Freshman! I am Professor Del Fierro and it is my great pleasure to welcome you all to Centro Escolar University- Makati. I'm delighted to see you here so early in the morning."

Muli kong nilingon ang katabi ko. "I'm Tatiana Maire, but you can call me Shan" sabi ko saka naglahad ng kamay, hindi alintana ang nagsasalitang prof sa harap.

Tinanggap niya ang nakalahad kong kamag, mukha pa siyang nahihiya saka nagpakilala. "I-im Patrick, sa AU din ako nag-aral. Actually STEM din ako pero ibang section lang."

Nagugulat ko itong tinitigan. Kaya pala ito mukhang pamilyar.

"Talaga!" Magiliw kong sabi. "Wow! Nice meeting you..." Nahihiya namang nag kamot ito ng batok at inayos ang nalalaglag na salamin.

Sobra ang saya ko dahil may kakilala na rin ako a wakas, hindi lang 'yon, dahil nagmula pa kami sa parehas na eskuwelahan.

Muli kong itinuon ang pandinig at paningin kay Prof. Del Fierro.

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now