CHAPTER 10

34 1 1
                                    

Tanaw ko ang kabuo-an ng bgc mula rito sa balcony ng condo unit. Ang madilim na paligid ay naging maliwanag dahil sa city lights at ilaw mula sa mga sasakyan. Ang mga ilaw na ito ang siyang nagbibigay ng kulay sa madilim na mundo, sa malungkot na mundo.

Pinagsiklop ko ang aking kamay habang dinarama ang lamig ng hangin. Natapos na't lahat-lahat ang laro ay hindi pa rin tumitigil ang pagkalabog ng aking puso. Ayaw mag-paawat. At hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ni Kendric sa akin kanina.

Napalingon ako sa aking likuran nang may marinig akong tumikhim.

"Shan..." aniya nang makalapit sa akin.

"Yes?" Sagot ko habang nakataas ang kilay. "Aagawan mo na naman ba ako ng pag-eemote?"

Natatawa siyang umiling saka pinagmasdan ang ganda ng city lights.

"Kung hindi ngayon, kailan?" Nangunot ang aking noo saka humarap sa sliding door, kitang-kita ang loob ng unit ni Kendric. Naroon din sila, nanonood ng movie.

Ipinuwesto ko ang aking sarili, sumandal ako sa metal na handrail habang ang katabi ko ay nakapatong ang braso sa handrail at nakatanaw pa rin sa mga ilaw.

Marahan akong sumulyap sa kaniya. "What do you mean?"

"Kung hindi ngayon ay kailan?" Aniyang muli, ang tanong na 'yon ay hindi ko maintindihan, mag mula pa no'ng laro namin.

"Ang ano nga?"

"Shan..."

Nagtaas muli ako ng kilay, nag-aabang ng kaniyang sasabihin.

May problema yata talaga 'to sa lovelife. Halos lahat napag-uusapan naming dalawa pero hindi ang lovelife niya. Pagdating sa ganoong bagay ay umiiwas siya. Iniiba niya lagi ang usapan kapag napupunta do'n ang topic namin.

Lumipas na ang ilang minuto ay hindi na nadagdagan ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

"Ano nga 'yon abo? May problema ka ba sa love life? Ano? Tutulungan ba kita sa pinsan ko? Kailan? Sabih-"

"Shan, gusto kita." Natitigilan akong nag-iwas ng tingin sakaniya.

Ibinalik ko ang tingin sa loob, hayun ang tatlo at nagtatawanan dahil sa palabas, libang na libang at hindi pansin ang pagkawala ng presensya namin, habang ako rito ay hindi alam ang gagawin. Hindi maibuka ang bibig. Kahit buksan ko man ay paniguradong walang lalabas na salita mula dito.

Hindi ko alam ang sasabihin. First time kong makaranas ng ganito. Meron akong naging kaklase at mga kakilala na nag-pahayag ng nararamdaman nila sa akin, pero sa chat at text lang. Kaya ibang-iba ang pakiramdam kapag in-person mo mismo marinig ang ganitong confession.

Pinilit kong ngumiti. "Ikaw ah. 'Di mo ako ma-pprank! Anong akala mo sa akin tanga?" Natatawa kong sabi.

"Shan gusto kita. Seryoso ako." Pag-uulit niya kaya natigil ako sa pagtawa at saka inayos muli ang puwesto.

Humarap ako sa kaniya at pinag-krus ang braso. Nakapirmi ako ng tayo. "Bakit? Bakit ako? A-alam mo namang... i love Kendric, Ash."

Kitang-kita ko kung paano lumaylay ang balikat nito.

"Katulad ng pagkagusto mo kay Ken ng hindi mo alam ang dahilan ay gano'n din ako sayo. Hindi ko alam."

"I-im so sorry Ash." sagot ko, nangangapa ng sasabihin.

Gusto kong sabunutan ang sarili para may mapiga at makuhang sagot. Sagot na maaaring sabihin sa kaniya. Hinihiling kong sana ay basbasan ako ni Papa God ng wisdom ngayon din.

Secretly Loving My BestfriendWhere stories live. Discover now