CHAPTER 6

47 2 1
                                    

"Hey..." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Nangangapa ng sasabihin.

Sinapak ko ang kaniyang dibdib. "Bwisit ka! Nag-alala ako!" Nag-uunahan pa ring bumubuhos ang mga luha ko. Pinunasan ko ang mga ito gamit ang likod ng aking palad.

"Napaka-imoral mo! Alam mo ba 'yon ha! Akala ko kung ano ng nangyare sayo!" Niyakap niya ako. Bumubulong ng sorry. Hindi ko alam kung bakit naging emosyonal nalang ako bigla.

"I'm sorry na bes..." Hindi pa rin ako makapaniwalang halos liparin ko na ang daan kanina sa sobrang pag-aalala tapos ito lang pala yung emergency na sinasabi niya. Pasalamat ka mahal kita.

Napabuntong hininga ako. "Bwisit ka talaga eh. Konti nalang masasakal na kita." Nanggigigil na sabi ko nang mahimasmasan mula sa pagkakaiyak.

Maya-maya lang ay tumunog ang aking cellphone.

"HOY! BRUHA KA! NASAAN KANA? AALIS NA TAYO ABA!" Nailayo ko kaagad ang cellphone mula sa aking tainga. Napapikit ako ng mariin.

"Badeng. Mauna na kayo, dito nalang ako sasabay kay Kendric. Nandiyan yung gamit ko ha..."

"Ha? Hatdog ka talaga. Ano bang nangyari?" Huminahon na ang kaniyang boses.

"Basta. Mamaya nalang. Pasabi kila tito, pasensya na." Sabi ko habang nakatingin sa kasama ko na nakapag bihis na. Nakatitig ito sa mukha ko, inirapan ko naman ito at nag-iwas ng tingin.

Hanggang sa lulan na kami ng sasakyan ay hindi pa rin ako umiimik. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakasalpak ang earphone sa aking magkabila-ang tainga, nagpapanggap na may tunog ngunit wala naman.

Nasulyapan ko ang katabi ko sa gilid ng aking mata. Seryoso itong nagmamaneho ngunit walang kasing haba ang nguso niya. Hanggang mamaya kita hindi papansinin. Akala mo ha!

Binuksan ko ang aking twitter at bumungad agad sa akin ang tweet ni Ash. Nangunot ang aking noo.

@ashgreymoto:
Sana ol love.

Ano naman kayang kadramahan ito. Napaisip ako ng posibleng dahilan ngunit wala akong makuhang ideya. Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang reply ni Bella.

@arabellaf:
'Wag ka na sadt. Crush naman kita eh.

Hindi ko mapigilang mapa-ubo. Lumingon naman ang katabi ko at agad ding idineretso ang tingin sa daan.

Wtf bella! Sa twitter ka pa talaga umamin.

Agaran kong pinindot ang message icon dito sa Twitter.

@maireonthewall:
Hoy!
Bruhilda ka.
Anong nakain mo at sa Twitter ka umamin?

@arabellaf:
Huhu.
Ang awkward tuloy ng atmosphere dito sa sasakyan.

Napangiti ako...

@maireonthewall:
Ayan! Amin pa!
HAHAHAHA
Anong itsura ni Ash ngayon?

@arabellaf:
Wala. Nakapikit.
'Di na ako pinansin :(
Magkatabi pa naman kami.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko, unti-unti itong napalitan ng pagka-ngiwi nang makita kong nakatingin nanaman siya sa akin.

"Sungit." Bulong niya at mas tumulis pa ang nguso.

Bahala ka diyan. Hindi kita kakausapin.

Secretly Loving My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon