KABANATA 37

55 3 0
                                    

Kabanata 37 | Idolatrar

I was busy nodding my head as my manager was busy telling me all I need to do for today. As if naman hindi ko pa alam ang gagawin ko. I'm not a newbie, but they still treat me like one.

“Take a picture with him and post it on your social media accounts. You hear me? Makakatulong iyon para maging interesado ang mga tao sa‘yo tutal ay malapit ka kay Wynn,” muli na namang pagpapaalala ng manager ko.

I made a face. “I'll use him for fame?”

“Yes, but not in a bad way. Huwag kang maarte, Celestine. Tsaka gwapo naman si Wynn, samantalahin mo ang pagkakataon. You two would cause a big news if ever na maging kayo. Naka-bingwit ka na ng gwapo, mas magb-bloom pa ang career mo.”

Napailing nalang ako sa pinagsasabi niya. Gusto kong ipaalala sa kaniya na trabaho lang ang gagawin namin ni Wynn ngayon. At isa pa, malay ko ba kung may girlfriend pala ang tao. Mamaya kapag may nakarinig dito sa pinagsasabi ni Manager Lucinda ay magdulot pa ng masama.

Hindi naman ako uhaw sa fame para gumamit ng tao para mas lalo akong umangat. Sapat na sa‘kin ang career ko ngayon dahil alam kong pinaghirapan ko ang lahat ng ito bago ko makuha.

Nang makarating ako sa set ay agad akong inayusan. Naging mabilis ang pangyayari. Nagulat nalang ako nang sabihing last take na. Hindi ko namalayan ang oras. Ganoon siguro talaga kapag magaling ang kasama mo.

Sobrang professional ni Wynn katrabaho. Yung kahit na literal na magkadikit ang katawan namin dahil iyon ang iniutos sa‘min ay hindi ako nakaramdam ng ilang. Ganoon rin naman siya. Kahit yata nang pinaupo ako sa lap niya ay hindi ko man lang siya nakitaan ng kahit na kaunting ilang.

Sobrang professional niya. Nakakahanga.

Hindi na ako nahirapan pang ayain siya na mag-take kami ng picture na magkasama dahil siya na mismo ang nag-aya sa‘kin. He's so nice. Hindi siya palasalita pero hindi rin naman tahimik. Just in between.

“You want to have coffee?” biglang sabi niya. Pauwi na sana kami dahil kakatapos lang ng shoot namin.

Tumango ako. Wala namang problema iyon sa‘kin. I like coffee... “Pero wala bang magagalit?” tanong ko. Naniniguro lang. Baka mamaya ay may girlfriend pala siya at mapagbintangan pa akong mang-aagaw. Sorry, but I don't do that here. Hindi ako pinalaki ng parents ko para maging pangalawa.

“It's just coffee.”

“I know. Pero pangit tingnan kung may girlfriend ka tapos ibang babae ang kasama mo—”

“Wala akong girlfriend,” he said, cutting me off.

I smiled. “Great then. Let's go. I want iced coffee,” sabi ko at nauna nang maglakad palabas habang alam kong nakasunod siya.

“Cake? Or anything you want to add?” tanong niya matapos niyang sabihin sa server ang order namin na coffee.

Umiling ako. “Can't eat sweets,” sabi ko. Alam ko namang naiintindihan niya ako. He didn't got himself a cake or anything sweet too so I guess we're both on our diet.

We talked while waiting for our drinks. Mostly common topics lang. Kaunting pag-uusap tungkol sa buhay, tungkol sa trabaho, which is very relate kami sa isa't isa kaya naging mahaba ang pag-uusap namin.

Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit namalayan ko nalang na ang pinag-uusapan na pala namin ay tungkol sa lovelife. We both know na pareho rin kaming wala kaya sobrang weird pag-usapan.

“I'm sure there's a lot of guys who's after you,” he teased.

Natawa ako at agad na umiling. “Nope. Parang wala nga. Baka ikaw ang maraming babae? Feeling ko nga sila ang nanliligaw sa‘yo, e. So, gaano ba kahirap ang maging gwapo?”

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now