KABANATA 15

82 7 0
                                    


Kabanata 15 | Así es

“Hays! Stop frowning nga! Ang panget mo!” reklamo ko habang nakatitig kay Mia na kanina pa nakatunganga at kunot na kunot ang noo na tila ba malilim ang iniisip habang nakapatong ulo sa mesa niya. Nakapangalumbaba siyang bumuntong hininga at inikutan ako ng mata.

“Huwag ka ngang epal, may iniisip ako,” masungit na saad niya.

“Wala kang maloloko dito, Maria Inah Aguila. Alam kong wala kang isip kaya manahimik ka diyan,” natatawang sabi ko at tumayo. At dahil tamad na tamad siyang naksubsob sa lamesa niya ay kinailangan ko pa siyang hilain patayo.

“Ano ba?” pagtanggi niya at muling sumubsob sa mesa.

“Nagugutom na ‘ko! Tara na sa baba!” halos magmakaawa na ako. Ilang araw na rin kaming hindi pumupuntang cafeteria para mag-lunch dahil sobrang paranoid niya na makita si Brent.

“Bahala ka kumain mag-isa mo!” sigaw niya at biglang nagtakip ng mukha at nagpa-padyak ang paa. “Nakakabwisit!” gigil pang sigaw niya.

Napailing nalang ako at napagpasyahan nalang na ako nalang mag-isa ang bababa para bumili. “Ako nalang bibili. Ano gusto mong kainin?”

Nag-angat siya ng tingin at sumimangot. “Si Brent.”

“The heck? Ponyeta ka,” Inirapan ko siya at napapailing na iniwan. Akala ko ba ay nagmo-move on na siya? Kapag talaga nalaman kong bigla silang magkabalikan ay talagang babatukan ko siya.

Mabilis akong pumila para makabili na ng kakainin namin. Talagang kanina pa ako nagugutom! Mga kaartehan kasi ni Mia, pati ako ay nadadamay!

“Uy, Tine, tara singit ka na dito.”

Nag-angat ako ng tingin matapos marinig ang pangalan ko. Natanaw ko ang kumakaway na si Saint. Nasa pangatlong pila na siya samantalang ako ay nasa dulo pa.

Mabilis akong umiling. Ang unfair naman sa iba kung makikisingit ako.

“Sige na! Huwag mo pansinin iyang mga nasa harapan mo! Kakilala ko iyan!” muli pang malakas na sigaw ni Saint.

Napatingin ako sa ilang tao na nakapila rin at tsaka lang napansin na nakatingin rin ang halos lahat sa akin. Ngumiti ang ilan samantalang ang iba ay tinanguan ako.

Naiilang na ngumiti ako sa mga nakapila bago naglakad palapit kay Saint. Nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan ni Saint ay tsaka ko lang napansin na kasama niya pala si Samuel.

“Hi,” pilit ang ngiti na pagbati ko dito.

Nagulat ako nang nagtaas siya ng kilay at pumeywang. “Bakit ka sumisingit?” buo ang boses at mataray niyang tanong.

He kind of reminds me of those wanne be bitch classmates during my entire grade school. My God, bakit siya ganiyan?

“Gago, huwag ka nga,” natatawang ani Saint habang sinisiko si Samuel. “Dito ka sa harap ko pumila, Tine, ikaw na next na oorder,” ngiti ni Saint at pinapila ako sa harapan niya.

“Bawal ka singit dito. Hindi ka ba tinuruan ng good manners ng magulang mo?” muling nangibabaw ang masungit na boses ni Samuel. Kung kanina ay ipinagsawalang bahala ko lang ang sinabi niya, ngayon ay talagang kinabahan na ako.

Hala, galit ba siya?

“Parang gago ‘to si Sam. Huwag mo ngang tinatakot si Tine,” natatawa muling sinabi ni Saint nang makita ang reaksyon sa mukha ko.

Nang matapos nang makabili ang taong nasa harapan ko at turn ko na na umorder ay gusto ko pa sanang kausapin muna si Samuel at paunahin nalang siya na umorder ngunit tinulak na ako ni Saint kaya wala na akong nagawa kundi sabihin ang order ko sa kahera.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now