Chapter 10

270 20 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Maaga akong nagising. Maaga akong nag ayos ng sarili ko. Naligo na ako, nag-toothbrush, Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ng araw ko ngayon. Siguro dahil ang ganda na ng pakiramdam ko? Wala na iyong mga pasa sa katawan ko. Pati na rin iyong sakit. Pakiramdam ko hindi ako nabugbog kagabi. Pero feeling ko bonus lang iyon sa kasiyahan ko 'e. Dahil kaya masaya ang araw ko ngayon dahil sabay kaming kakain ng Pinuno. Siguro doon niya na rin sasabihin iyong gusto niyang sabihin sa akin.

Nang makita kong paparating si Masigla sa silid ko ay kaagad ko na siyang sinalubong sa sobrang excitement. "Tara na, Masigla. Okay na ako. Nakapag-ayos na rin ako," ani ko.

Yumuko siya sa akin bago nagsalita. "Paumanhin, binibini. Hindi ako pumarito para sunduin kayo. Nandito po ako dahil inutusan ako ng Pinuno na iparating ang mensaheng maaantala raw ang inyong umagahan. Dahil may dumating sa kaharian para siya ay kausapin sa importanteng bagay. Hintayin niyo na lang daw ang Pinuno na pumarito."

Biglang nawala iyong ngiti ko sa sinabi ni Masigla. Kung hindi siya aalis, madi-delay naman. I sighed.

Gusto kong magtanong. Pero hindi ba't masyado na akong pakielamera non sa lagay na iyon? Isa pa hindi pa kami kasal. Siguro mas mainam kung hindi muna ako mangingealam sa buhay ni Pinuno hangga't hindi pa kami nakakasal.

"Sige, Masigla. Salamat," malungkot kong sabi. Pagkatapos niyon ay yumuko siya sa akin bago naglakad palayo.

Sino namang importanteng tikbalang ang pumunta sa kanya para siya ay kausapin? Siguro problema iyon ng mundo nila kaya masyado itong importante para iantala ang pagkikita namin.

Halos tatlong oras na akong nakaupo sa upuan ko. Natapos na rin akong magpinta ng mukha niya. Pero wala pa ring Pinuno ang dumating. Gutom na ako.

Tumingin ako sa bintana. May nakita akong dalawang tikbalang na nag-uusap sa baba. Kung hindi ako magkakamali, si Pinuno iyon. May kausap siyang babaeng tikbalang.

Siguro papunta na siya rito sa silid ko.

Wala akong sinayang na oras. Agad akong bumaba. Sasalubungin ko na lang siya. Masaya akong naglakad dala-dala ang kakapinta ko lang na mukha niya. Excited na kase itong ipakita sa kanya. Syempre ipininta ko ito with love 'no.

Nong makarating ako sa baba ay napatayo ako sa hindi kalayuan. Nagdadalawang isip. Tama ba'ng distorbohin ko sila? Base sa kanilang pag-uusap ay mukhang seryoso ang mga ito. At mukhang may nasi-sense ako na kakaiba. O baka nagsi-selos lang ako?

Siguro maghihintay na lang ako dito sa sulok nang sa gayon ay hindi ko masira ang kanilang pinag-uusapan. Matagal ko silang sinusulyapan. Ibang klase kung paano tumingin ang babaeng tikbalang kay Pinuno.

"Makisig naman!" malakas na pagkakasabi kay Pinuno. Bakit pangalan lang ni Pinuno ang tawag niya? Ganoon ba talaga sila ka-close para hindi siya tawaging 'Pinuno'?

"Bakit ayaw mong makinig kay Mamang? Kailangan ba talagang hintayin mong masira ka bago mo isiping bumitaw sa taong iyon? Para mo na ring inilagay ang iyong mga paa sa hukay, Makisig! Makinig ka naman! Pakiusap!" sambit ng babaeng tikbalang kay Pinuno.

Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang sinasabi ng babaeng tikbalang na iyan? Ganoon ba talaga ako ka-malas sa paningin nila para isipan si Pinuno na masisira kapag ako ang pinakasalan?

Umagaw ng atensyon ko ang paglapit ng babae kay Pinuno. Hinawakan niya ang kamay niya. "Bakit kase hindi na lang ako? Naging tayo naman dati, hindi ba? Tumagal naman iyong pagsasama natin. Naging masaya naman tayo. Bakit siya pa? Bakit sa isang hamak ka lang ng tao napa-ibig, Makisig?" aniya.

Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Gusto kong magalit. Gusto kong pumasok sa eksena. Pero pinigilan ko ang sarili. Pinili kong kumalma at hayaan na lang ang lahat. Kahit ang sakit sakit na.

"Mahal na mahal kita, Masigla. Mahal na mahal," sambit ng babae. Pagkatapos niyon ay bigla niyang hinalikan si Pinuno.

Napakapit ako sa semento dahil sa nakita ko. Halos manghina ang tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit nandito pa ako ngayon. Hindi ko na masasabi na nag o-overthink lang ako. Hindi ko na puwedeng sabihin sa sarili ko na nagsi-selos lang ako kaya nami-misunderstood ko lang ang pag-uusap nila. Dahil kitang-kitang ng mata ko. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang mga tinginan nila. Kung paano hawakan ng babaeng tikbalang ang kamay ni Pinuno. Kung paano hayaan ni Pinuno na halikan siya nito.

Nagmistulang ilog ang pisngi ko dahil sa walang hintong pag-agos ng mga luha ko. Tama na. Masakit na.

Iniwan ko ang painting sa kinatatayuan ko at agad na umalis.

Para akong batang nag-iiyak habang nagtatakbo. Wala na akong pakialam kung may makakakita man sa akin. Wala na akong pakialam kung saan man ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang, mabigat ngayon ang pakiramdam ko. Gusto kong umalis dito. Gusto kong magpaka-layo. Pero paano?

***
Pinunong Makisig's POV

Tinulak ko palayo si Agila at mabilis na pinahid ang aking labi dahil sa kanyang pagkakahalik. "Ano ang karapatan mo para halikan ako? Masyado nang sumusobra ang iyong ugali, Agila! Hindi mo na nirespeto ang magiging Reyna ng mga tikbalang!" Nanggagalaiti kong sambit sa kanya.

Mapait siyang ngumiti sa akin.

"Reyna ng mga tikbalang? Sa tingin mo ba ay karapat-dapat siya sa puwestong iyan, Makisig? Ako ang karapat-dapat sa puwesto na 'yan!"

"Akala mo ba, hindi ko alam na pinaniwala mo ang lahat na iniibig mo ako. Dahil gusto mong makuha ang puwesto na 'yan?" Mahina at nanggigigil kong sambit.

Ang kaninang Agila na malungkot at tila ba'ng inagawan ng laruan ay napalitan ng pagkatakot sa mukha.

"Kaya umalis ka na sa aking harapan bago pa man magbago ang isip ko na ipakulong ka sa malamig na kulungan, Agila," ani ko. Hindi na siya nagsalita. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-alis niya sa aking harapan. Dahilan para ako ay mapanatag.

Kanina pa naghihintay si Eina sa akin. Paniguradong gutom na gutom na rin siya. Nagsimula na akong maglakad patungo sa pasilyo kung nasaan banda ang silid ni Eina.

"Pinuno! Pinuno!" rinig kong tawag sa akin ni Masigla dahilan para matigil ako sa paglalakad.

Lumapit si Masigla na mayroong dala painting. Ang nakapinta sa painting na ito ay ako na nakangiti. "Pinuno, si Binibining Eina, tumatakbong luhaan," hingal niyang sambit. "Naiwan niya rin itong painting na ito doon, Pinuno," turo niya sa hindi kalayuang poste.

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. Maaring nakita niya kaming dalawa ni Agila na magkausap. Maaring . . . Narinig niya ang mga sinabi ni Agila. Lalo na iyong paghalik ng babaeng iyon.

"Saan siya patungo?" nataranta na ako.

"Patungo siya sa hardin, Pinuno," aniya.

Pagkatapos sabihin ni Masigla ang lokasyon ni Eina ngayon ay wala akong sinayang na oras. Mabilis akong tumakbo patungo roon.

Midnight ScarWhere stories live. Discover now