Chapter 1

9.7K 213 22
                                    

Usok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Usok

I suddenly woke up from my seat. Wincing, I can really feel the pain in my back and buttocks. Humikab ako at nag-inat ng katawan matapos ay tiningnan ko ang aking relo. I fell asleep, and my head is still hurting from the long journey. The bonamine I was taking earlier had no effect.

Bwesit!

Hindi ko nagawang imulat ang aking mga mata. Dahil baka mas lalo lang ako mahilo dito sa kinauupuan ko. That's why I took the cigarette case from my pocket and took a stick. I put it in my mouth.

"Lighter," tipid kong utos kay Mike na kanina pa nagda-drive.

Narinig ko ang pagngisi nito. "T*ngina naman, Hon, oh. Nasa harap mo na. All you have to do is just reach for it. Hindi 'yong ipapautos mo pa sa akin."

I gasped violently and involuntarily opened my eyes. Oo, nakalagay lang naman ito sa glove compartment, sa harap ng kinauupuan ko. At oo, aabutin ko na lang ito pero kasi naman, nahihilo ako!

Padabog kong binuksan ang glove compartment at kinuha ang lighter. Sinindihan ko ang sigarilyo. Doon ay nagsimula na akong humithit.

Hays.

Sa wakas ay nabaling na ang atensyon ko sa usok na ito. Hindi ko alam pero kapag talaga nagsi-sigarilyo ako ay gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko heto na ang stress reliever ko. I started to smoke since first year college. Nahuli na rin naman ako ni Auntie Mira sa bisyo kong ito. But she didn't scold me. Bagkus ay hinayaan niya lang ako.

Mahinang napamura si Mike sa kinakaupuan niya. Napansin siguro niya ang usok na namumuo sa loob ng sasakyan kaya binuksan niya agad ang bintana.

"Malayo pa ba tayo?" I coldly asked him.

Tiningnan muna ni Mike ang Waze sa phone na nakaharap sa kanya. "It says here that we'll be there in just 15 minutes," sagot ni Mike.

I just stared at him, then turned my gaze to the window and the place where every car passes, where I can see the signs that we are getting closer to Auntie Mira's house. It is situated in Maragondon, Cavite.

Iba na kase ang structure na nakikita sa daanan. Puro puno, malalawak na lupa, at mga bahay na simple lang. Mga taong simpleng-simple lang ang suotan. Hindi magarbo. Hindi gaya ng mga taga-Maynila.

"Sigurado ka ba'ng isang buwan kang magbabakasyon sa inyo? I mean, kailan ang balik mo?" Biglang tanong ni Mike.

Sa hindi malamang dahilan ay tinapunan ko ito ng tingin. Bakit parang may something sa tanong ni Mike? Hindi naman siya ganito dati. I mean, kilala niya naman siguro akong hindi fixed ang desisyon. Hahayaan niya lang ako kung hanggang kelan ko gustong mag-stay sa isang lugar at magti-text na lang kung kelan niya ako susunduin dito.

Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"I'm just asking, okay? Para alam ko kung kailan kita susunduin dito," he is defensive now.

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Wala akong ganang makipag-away ngayon. Lalo na't ilang linggo akong magbabakasyon sa lugar namin. In fact, ayaw kong iparamdam sa kanya na wala akong tiwala kahit na ang dami niya nang ginawang katarantaduhan sa ilang taon ng relasyon namin. Ang tanging ginawa ko na lang ay bugahan siya ng usok habang nakatutok siya sa pagmamaneho. Nakikita ko ang pagtitimpi niya sa pagbubuga ko ng usok sa kanya. Hindi ko alam pero heto na kase ang way of lambing ko—ang bwesitin siya. Pagkatapos kong mabuga lahat ng usok sa pagmumukha niya ay kaagad kong hinalikan ang leeg niya. Kasabay doon ay ang paghawak ko sa gitnang bahagi ng hita niya.

"H-Hon . . . B-Baka madisgrasya tayo sa ginagawa mo," sambit niya.

Pero hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ko ang paghalik sa leeg niya. Dahil alam ko namang iyon ang gusto niya sa tatlong taong relasyon namin, ang lust.

Ibababa ko na sana ang zipper ng pantalon niya nang biglang tumunog ang phone niya na nasa holder, sa gilid ng manobela. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang message na nag pop-up sa phone niya.

Wala akong sinayang na oras. Mabilis kong tinanggal ang phone niya sa holder at binasa ang message na kakarating lang. Nataranta siya sa ginawa ko. Dahilan para hindi na siya makapagfocus sa kalsada.

"P*tang . . . Hon, ibalik mo sa holder ang phone. Baka maligaw tayo!" Utos niya sa akin.

Marahas akong bumuga ng hangin sa kinauupuan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marahas akong bumuga ng hangin sa kinauupuan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa ko. Para bang nag-collapse iyong mundo ko. All these f*cking years? Again?

"H-Hon . . ."

Mike stopped the car on the side of the road. Pagkatapos ay napahilamos ito ng mukha gamit ang kamay niya.

Lumunok siya bago nagsalita. "Let me explain, Hon—"

"Paano?" Putol ko. Doon ay nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. "How can you explain your sh*t if this f*cking message says it all? You," dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. ". . . are cheating on me, Mike! Kaya siguro nanlalamig ka na naman. Kaya siguro everytime na puntahan kita sa condominium mo ay wala ka lagi doon? Kase nandito ka sa babae mo!"

"Hindi gano'n 'yon, Eina! Just please. Please, let me explain myself first."

"Paanong hindi gano'n?" Nanggigil kong tanong.

"I'm not cheating, Eina," diin niya.

I sighed violently and smiled sarcastically at him. "Paanong hindi ka nagchi-cheat, Mike? Seriously?! Lulusutan mo pa talaga 'to?"

"Gusto niya lang naman makipag-momol. Just momol, Eina. What's wrong with that? We're not in an intimate relationship."

Napanganga na lamang ako sa dahilan ng lalakeng ito. How many times have I caught him with another woman and how many times have I forgiven him. Sa loob ng tatlong taon, hindi ako nagkulang bilang girlfriend. Lahat binigay ko. Lahat ng kasalanan niya ay pinapatawad ko. Dahil umaasa ako. Umaasa akong magbabago siya.

Pero ngayon? Hindi ko na alam. I don't know if I can stay in this relationship. Durog na durog na ako.

Nang makarating kami sa harap ng bahay ni Auntie Mira ay wala akong sinayang na oras. Lumabas ako ng sasakyan at kinuha ang mga gamit ko na nasa compartment.

"Tapos na tayo," sambit ko sa kanya.

Midnight ScarWhere stories live. Discover now