Chapter 5

343 19 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nang biglang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAALIMPUNGATAN ako nang biglang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Kaagad ko namang ginamit ang kamay ko panangga sa araw. Huminga ako nang malalim. Doon ko lang napatantong panaginip lang pala ang mga iyon. Ibang klase kase ang panaginip ko ngayon. Parang totoo at the same, para akong nasa isang fantasy movie. Napatingin ako sa hawak ko. Ito iyong dress na tinahi ni Mama sa akin na binigay kagabi ni Auntie Mira.

I sighed.

Nakatulog pala ako kagabi sa kakaiyak. Pero teka . . .

Nabalin ang tingin ko sa bintana. Kung saan ay nakabukas na naman ito ngayon. Kumunot ang noo ko. Hindi ako puwedeng magkamali ngayon. Talagang sinarado ko ito kagabi. Alangan namang bubuksan pa ito ni Auntie ngayon 'e alam niya namang natutulog pa ako.

I got up from my bed and looked out the window. Hindi ko alam pero automatic na akong napapatingin sa gawi ng gubat. Tinitingnan ito at pinagmamasdan. Nagbabakasakaling makita ulit iyong nakita ko nong isang gabi.

Bigla na lamang lumakas ang hangin dahilan para liparin ang buhok kong mahaba. Sa tuwing lumalakas ang hangin na siyang pagtama sa balat ko, pakiramdam ko ay may gustong sabihin ang hangin sa akin. It was as if the wind wanted me to enter the forest . . .

Nagising ako sa sariling wisyo. I took a deep breath.

Inayos ko ang sarili ko saka nagbadyang lumabas ng kwarto. Doon ay naabutan ko si Auntie na hawak-hawak ang card. Ang pagkakaalam ko ay tarot card iyon na kung saan ay hindi na ginamit ni Auntie mula nong mawala sina Mama at Papa.

Nong makita niya ako ay agad niyang niligpit ang tarot card.

Kumunot ang noo ko.

I cleared my throat as I sat on the chair infront of Auntie where she is sitting. Tiningnan ko siya na para bang binabasa ko ang mga mata niya. Para ba siyang kabado, nanginginig ang mga kamay niya. Tila ba'ng may ginawa siyang kasalanan.

"Auntie . . . bakit hindi niyo tinuloy?" I asked. Kasabay din niyon ang pagtapon ko ng tingin sa tarot card na hawak-hawak niya na kung saan ay tinago niya pa sa ilalim ng mesa.

"W-Wala . . . M-Medyo mahina ang energy ngayon," utal niyang panimula. "O siguro, h-hindi na ako marunong . . ."

Matagal ko siyang tinitigan.

Sigurado na ako ngayon na may tinatago sa akin si Auntie. Hindi lang ito basta maliit. Pakiramdam ko ay buong buhay ko iyong nakasalaylay sa mga sikretong tinatago nila.

Hapon nang napagdesisyunan kong samahan sina Palsiya at Uncle Mon sa bayan. Bukod kase sa bibili sila ng makakain namin ay may bibilhin pa silang pagkain ng manok. Kaya imbes na mag liwaliw ako sa bahay ay sumama na lang ako para tulungan sila.

Mabuti nga at may sasakyan si Uncle Mon. Dahilan para hindi na namin kailangan gumastos pa ng pamasahe papuntang bayan. Iyon nga lang ay may kalumaan na ang sasakyan ni Uncle kaya't maingay ang makina nito.

Midnight ScarWhere stories live. Discover now