Mabibilis ang kilos nila pero mas mabilis ako kaya nagagawa ko na mapatay agad sila.

"T-tulong"nakita ko ang isang bata at mabilis na nagteleport ako sa tabi nito ngunit nahuli ako ng makita ko ang isang mas malaking halimaw at kinain ito sa harapan ko.

Pagkabigla ang unang naging reaksyon ko sa nasaksihan ko.

"A-aaa"hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko.

"Yesha"rinig kong sigaw ni Lianne at ilang sandali lang sumabog sa harapan ko ulit ang halimaw.

Anong nangyayari sa akin?

Nanlamig ang buong katawan ko dahil ngayon ko lang nasaksihan ang pangyayari na yun sa buhay ko.

Mabilis na binalik ko ang pag iisip ng maayos dahil alam ko na marami pa ang kailangan mailigtas.

Nakita ko si Ariel at mabilis na inutusan ito na lumikas na silang lahat.

Sumunod ang mga ito at nang masigurado ko na nakaalis na sila ay hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko.

"Yesha huwag mo hayaan ang emosyon mo manaig"rinig kong sabi ni Lianne pero hindi ko ito pinakinggan dahil galit ang nangunguna sa akin.

Hindi ko inaasahan pero nagpakawala ako ng malaking apoy at alam kong buong distrikto 10 ang sinakop.

Tila naubusan ako ng lakas at tutumba sana ako ng may sumalo sa akin.

"Lili sleep"hinalikan ako nito sa labi at nagdilim ang paningin ko.

-END OF FLASHBACK-

Nagising ako makalipas ang tatlong araw at pinilit ko balikan ang distrikto 10.

Nang makita ko ito ay halos manlumo ako dahil alam kong kasalanan ko yun dahil hindi ko napigilan ang sarili ko.

Buong bayan ng distrikto 10 ay sunog at ang mga nasa paligid din nito ay ganun din.

"Anong ginawa ko?"hindi ko mapigilan sabihin sa sarili ko.

"Wala kang kasalanan Yesha, kaya huwag mo sisihin ang sarili mo. Kailangan na natin bumalik sa palasyo dahil hinihintay kana ng magulang mo"tinignan ko si Lianne at umiling ako dito.

Hindi ko kayang humarap kila Ina at mama lalo na hindi ko nagawang iligtas ang distrikto 10.


"Hindi ako babalik,hindi ko sila kayang harapin"hindi ko mapigilan maluha kaya niyakap agad ako nito.

"Lianne anong gagawin ko"umiiyak na sabi ko dito pero hinarap nito ang mukha ko at pinagdikit ang noo namin.

"Nangyayari talaga ang mga bagay na hindi natin inaasahan Yesha, kaya wag mo sisihin ang sarili mo dahil pagsubok ito sayo. Kaya babalik tayo ng palasyo para malaman nila na ligtas ka"napayakap na lang ako sa kanya ng sabihin niya yun.

"Isa pa alam ko na ginawa mo din ang makakaya mo. Dahil inuna mo ang mga nilalang na sakop mo at nagpaiwan ka para wala ng mas masaktan pa. Kaya wag mo sisishin ang sarili mo dahil alam ko na ginawa mo ang lahat para iligtas sila"naramdaman ko na hinalikan ako sa noo nito.

"Kapag bumalik ka din ng palasyo tiyak akong may kasagutan na naghihintay sayo doon tungkol sa nangyari"tila siguradong sabi nito sa akin at mas hinigpitan ko pa ang kapit ko dito.

"Paano kung galit sila sa akin dahil sa nangyari sa distrikto 10"malungkot na sabi ko dito.

"Hindi sila magagalit sayo lalo na ligtas ka at nakabalik ka sa kanila ng ligtas"gumaan ang pakiramdam ko ng sabihin iyon ni Lianne sa akin.

Tinignan ko ito sa mata at nakaramdam ako ng kapayapaan ng tignan ko ang mga mata nito.

Hinalikan ako nito sa labi at tumugon naman din ako sa halik niya.

"Pahinga ka muna Lili"unting unti dumilim ang paningin ko at huling nakita ko ang malungkot na tingin na binigay ni Lianne sa akin.

Sino si Lili?

----

Thirdperson's POV

"Luna"napatingin sa kanila ang leader nila ng dumating ang apat.

Lahat ng mga namatay ilibing niyo at kayo na din muna bahala mag ayos ng kalat sa distrikto 10.

"Mukhang bumukas na ang Devil World"mahinang sabi nito sa apat at nanlaki ang mga mata nila sa gulat ng marinig ang sinabi nito.

"Kunin niyo ang mga core ng mga cyclone na makikita niya.Pagkatapos ay wasakin niyo ito"utos nito sa kasama at mabilis na yumuko ang apat.

"Masusunod po Luna"sumunod agad ang mga ito at napatingin naman ito sa bitbit niyang dalaga.

"Alam kong naguguluhan kana Lili, pero dadating din ang tamang oras para malaman mo ang lihim na tinatago ko"mahinang bulong nito sa natutulog na dalaga at hinalikan ito sa labi.

----

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now