SWEET TWENTY EIGHT

1.5K 54 1
                                    

Nakahanda na ang lahat. Maging ang  magulang ni Marigold. Hinihintay nila ang magulang Brekker. Parehong kabado sila Marigold habang naghihintay.  Hindi alam ni Marigold kung matatanggap ba siya o hindi. 

Mabilis na napatayo si Nestor nang makarinig ng malakas na katok. Agad niya itong pinagbuksan, nakangiting pumasok ang mga magulang ni Brekker. Natulala si Marigold nang makita ang dalawa. Si Brekker ay parang pinagbiyak na buko sa Ama nito. Habang ang balat ng Ina ay nakuha ni Brekker.

Akala ni Marigold ay magulang lang ni Marigold ang pupunta. Pero nagkamali siya dahil biglang sumulpot sila Harlow.

"Puta! Ang daming bakla sa loob, gusto  ko na papasok. Papasok nga ako Tito!" Malakas na sigaw ni Armstrong

Nalaglag ang panga ni Brekkker nang tuloy-tuloy na pumasok ang Terrorizer. Mariin siyang napapikit sa gulat, hindi niya akalain na pati ang kakapalan ng mukha nila Blanco ay dala-dala pa rin.

"Maupo po kayo," magalang na ani Marigold

Nakangiting tumango ang Ina nito saka umupo kasama ang Ama ni Brekker. Ang Terrorizer naman ay nakaupo na rin habang ang Iba ay nakatayo na lang dahil hindi na kasya.

"Kumain muna tayo bago pag-usapan ang kasal ng dalawa." 

Napangiwi si Marigold nang makita ang Hitsura ng mga bisita habang nakatitig sa mga ulam na niluto ni Brekker.

"Ang anak niyo ang nag luto niyan." Panimula ng kaniyang ama."

" Pasensiya na kung 'yan lang ang nakaya namin. Mahirap lang kami."

Ang ama ni Brekker ay nanatiling Seryoso.

"Wow galing naman ni Brekker! Tagaluto na pala siya dito!" Natatawang sigaw ni Harlow

"Puta! Buhay probinsyano na pala si Babaero!" Natatawa namang sigaw ni Drake

Masamang tinignan ni Brekker ang Terorizer na ngayon ay natatawang tumingin sa mga pagkain.

"Ayos lang sa amin to. Paborito  namin itong kainin sa nasugbo."  Nakangiting ani ng Ina ni Brekker

Nagulat si Marigold nang biglang nagkamay ang magulang ni Brekker. Hindi siya makapaniwala na marunong itong magkamay na gayong buhay mayaman ito.

"Dong, ngayon namo diria oh!" Tawag ng Ina ni Marigold sa kanila Blanco

Nakangiting tumango ang limang nakatayo habang si Ray burn ay naunang sumandok.

"Ano'ng damo po ito at bakit ganito?" Nagtatakang tanong ni Ray burn

Nabilaukan si Brekker dahil sa tanong ni Brekker.

" Ano'ng karne din po ito? Bakit masarap?" Masayang tanong ni Harlow habang tinitikman ang ulam

"Ah, unggoy 'yan nakuha ng kaibigan niyo sa bukid saka' yung isa Ahas na Cobra." Nakangiting sagot ni Nestor

Para namang nakakita ng multo si Harlow sa narinig. Si Ray burn ay hindi pa nasusubo ang gulay.

" 'Yan naman ay pako. Nakukuha' yan sa malayong bukid na kung saan tirahan ng Ahas. " Nakangiting dagdag ni Nestor

Nakangangang nabitawan ni Ray burn ang pako na gulay dahil sa gulat. Pakiramdam niya ay umurong ang kanyang sikmura sa narinig.

" Busog na pala ako. Kakain ko lang ng kakanin kanina eh, " nakangiting sigaw ni Drake

" Ayos na ako sa tubig, diet ako ngayon." Singit naman ni Armstrong

Napayuko si Brekker para pigilang huwag matawa. Ang mga kaibigan niya ay hindi makapaniwala. Habang si Harlow ay gulat na tinakpan ang bibig saka umubo nang umubo para iluwa ang nakain.

Sweet Obsession Series 2:Brekker Puppert(EDITING) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu