SWEET TWENTY ONE

1.7K 47 0
                                    

Natatawang tumayo si Brekker saka inalalayan si Marigold. Nagpahinga lang sila sandali para makabawi ng lakas. Pareho silang napagod dahil sa nangyari. Hindi pa rin sila nagbibihis. Nanatili pa rin silang walang saplot at komportable naman ang dalawa dahil sila lang ang tanging tao sa talon kaya walang makakita kahit na maglakad-lakad pa sila. Napailing si Marigold nang makitang buhay na buhay pa ang sandata ni Brekker.

"Buhay na buhay pa rin ah, " natatawa niyang sambit

Mahinang tumawa si Brekker. Hinawakan siya nito sa beywang para suportahan.

"Hinding-hindi 'yan mamatay. " Natatawang sagot ni Brekker

Siniko ito ni Marigold dahilan para mapadaing si Brekker. Gusto niyang sabihin na kahit siya ay muling nadadala sa init ng katawan. Pero pinipigilan ni Marigold ang sarili. Ayaw niya magpadala sa init ng katawan, ayaw niyang abusuhin ang mga bagay na nararanasan niya dahil natatakot siya sa pwedeng maging kapalit.

"Maligo na tayo. " Natatawa niyang ani

Nakangiting tumango si Brekker. Nakahanda na si Marigold para tumalon. Sa pagbilang niya ng sampu ay bumagsak si Marigold sa malamig at malinaw na tubig ng talon. Mas lalo niyang nakita ang kagandahan nito sa ilalim. Nakangiti siyang umahon. Mabilis na kinuha ni Brekker ang Camera nang umahon si Marigold.

Ang kulay abo nitong buhok na hanggang balikat ay lumakas ang dating sa kanya. Pakiramdam ni Brekkera ay si Marigold pa ang Modelo niya dahil sa ganda nito kahit na nakapikit ang mga sabayan pa ng basing-basa ang katawan. Hindi maiwasang matulala ni Marigold. Sa dami ng magagandang nakikita niya ay lumalamang si Marigold. Ang ganada nito ay kakaiba sa lahat ng babaeng nakasalamuha ni Brekker.

"Hanggang tingin ka na lang ba sa akin Mr. Brekker? " Nakangising tanong ni Marigold

Agad na kumilos ang kamay ni Brekker para pindutin ang Camer. Mahina siyang natawa dahil pakiramdam niya ay nabaliktad ang lahat. Siya na tuloy ang naging Photographer sa lagay niya ngayon. Mabilis na binitawan ni Brekker ang camera, walang pasabing tinalon niya ang tubig.

Napapikit si Marigold nang bigla siyang matalsikan ng tubig dahil sa biglang pagtalon ni Brekker. Malakas siyang napatili nang maramdamang may humihila sa paa niya pailalim. Hinila siya ni Brekker sa ilalim ng tubig. Bumungad sa kanya ang nakangising Brekker. Pinagsusuntok niya ito sa dibdib pero nasalo ni Brekker ang kamay niya. Sunod-sunod na umiling si Marigold para iparating na hindi siya makahinga. Hindi nakinig si Brekker, hinila niya palapit si Marigold saka walang pasabing sinakop ang labi nito. Nanlaki ang mata ni Marigold sa ginawa ni Brekker. Ramdam niya ang hanging binibigay ni Brekker sa kanya.

Napahawak si Marigold sa kamay ni Brekker. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang tulala. Namalayan niya na lang na gumagalaw ang labi ni Brekker. Wala sa sariling naipikit niya ang kanyang mga mata dahil sa ginawa nito. Muli niya na namang naramdaman ang pagwawala ng kanyang puso. Pakiramdam ni Marigold ay isa siyang Sirena na umiibig sa tao.

Naidilat niya ang kanyang mga mata dahil sa pagpisil ni Brekker sa kanyang beywang. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Kahit nasa ilalim na sila ng tubig ay hindi niya pa rin maiwasang humanga. Mas lalo itong gumanda, nakikita niya ang paganda nitong mata dahil sa malinaw na tubig.

Parehong habol-habol ang hininga nila Marigold. Malakas siyang lumanghap ng hangin dahil sa matagal nilang pag-ahon. Nang mabalik na sa normal ang kanilang hininga ay mabilis siyang tumingin kay Brekker. Napatitig siya sa basing mukha at katawan nito. Ang Reddish Brown nitong buhok na ngayon ay bumagsak na sa noo ni Brekker. Mabilis itong sinuklay ni Brekker dahilan para mas lalong magulo. Ang iilang tubig ay pumapatak sa mukha ni Brekker papunta sa hubad nitong katawan. Napahawak si Marigold sa bruskong dibdib ni Brekker na may kauntiang buhok.

Sweet Obsession Series 2:Brekker Puppert(EDITING) Место, где живут истории. Откройте их для себя