T.R.O.Y Special Chapter 4

16.4K 247 11
                                    

Dedicated to singlenevertaken. Here's your request dear! :D

AN: Heto na po ang UD na sasagot sa mga katanungan niyo :D hahahahaha. Sana, maging masaya kayo kapag nabasa niyo ito. One special chapter to go, tapos na ang special chapters ng The Revenge of Yanna :D

READ.. ENJOY... VOTE... COMMENTS AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Special Chapter 4

Yanna's POV

Tears start to fall from my eyes. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Bakit ba kung kailan maayos na kami, pinaglalaruan nanaman kami ng tadhana.

Bumalik nanaman ang sakit na naramdaman ko six years ago. This time, hindi ako yung may kasalanan kung hindi ibang tao naman.

Nilapitan ko yung lalakeng nakahandusay sa sahig. Alam kong si Troy iyon. Mula sa suot, hairstyle, skin complexion at built ng katawan niya. Wala akong pakielam kahit mabahiran ng dugo ang gown na suot ko.

Lumuhod ako at hinarap yung katawang nakadapa sa kalsada. Napahagulgol ako ng si Troy nga iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak.

" Troy.... Troy!!! Gumising ka please! Bakit ngayon pa? Second monthary natin ngayon diba? Dapat nagcecelebrate tayo ngayon diba? Bakit nangyari pa ito ngayon!!! TROY!!!! GUMISING KA DIYAN!!! "

Tumingin ako sa paligid namin. Halos lahat ata ng guest ni Stacie at Hector ay nandoon.

" Bakit kayo nakatayo lang diyan??? PLEASE TULUNGAN NIYO NAMAN AKO!!!!! Nakikita niyo namang naaksidente ang boyfriend ko eh!!! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!!! SHIT! BAKIT AYAW NIYONG GUMALAW DIYAN??? "

Hindi ko alam kung bakit nakatingin lang sila sa akin. Niyakap ko na lang ng mas mahigpit si Troy. Umaasa na may dadating na ambulansya.

" Hindi ko naman kailangan ng tulong eh. "

Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Tinignan ko ang mukha niya. Dilat ang mga mata niya at nakangiti siya sa akin.

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon