T.R.O.Y Chapter 18: Cold Troy

25.3K 371 52
                                    

Dedicated to callmeSIC. Try his stories. :D

AN: Don't forget na double UD ako ngayon. Kakapost ko lang ng Chapter 17!!! Heto na guys! Alam kong hinahantay niyo na ito!!! Sana di kayo madisappoint :DD

READ... ENJOY... VOTE... COMMENT AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 18: Cold Troy

Caitlin's POV

Weekend ngayon. Magkaaway pa rin kami ni Troy. Ewan ko ba dun, these past few days hindi siya namamansin kahit sa school tapos hindi naman siya nagrereply sa mga tawag at text ko. Wala naman akong ginagawang masama diba?

Kahit nga hindi na ako yung may kasalanan nag-sosorry ako. Pero naaapakan na yung pride ko! Ako na nga itong nagpapakababa siya pa itong isnabero.

Nakakailang text na ako simula kaninang umaga. Ni ha o ho mula sa kanya hindi ako nakakatanggap. Peste napupundi na ako. Kapag di pa siya nagpakita ngayon hindi ko na siya papansinin.

Naglalakad ako sa may village namin. Pupunta sana ako kila Stacie kaso nakasalubong ko si Troy. Hinigit ko siya sa may park. Siya naman parang wala lang. Umupo kami sa isang bench at ako na ang nagsalita.

Me: " Troy? May problema ba? Kasi this past few days hindi ka namamansin. Galit ka ba or nagtatampo? Sorry kung ganun man yung inasal ko kasi bestfriend ko yun eh. Natural na nag-aalala ako sa kanya. Sabihin mo naman kung may problema. Ngayon lang tayo nagkaaway ng matagal. "

Troy: " Caye. Wala kang kasalanan. Sorry kung hindi man kita pinapansin. "

Ano yun? Iyon lang yun? Kainis ah! Hindi naman siya ganito eh! Bakit parang naging cold siya?

Me: " Teka may problema eh. Bakit ang tamlay mo ngayon? Sabihin mo nga kung may problema ka? Hindi ka naman ganyan dati eh. "

Troy: " Uhmm.. marami lang iniisip. Yung sa company kasi tinetrain na ako kasi ako ang magmamana nun. Kaya heto ang daming problema eh. "

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon