"Kaya ayaw ko magpakita din sa iba, baka maguluhan sila"malamig na sabi nito pero tinaasan ko lang ito ng kilay.

-----

Thirdperson POV

"Mama anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Kenna ng makita ang pagdating ng kanyang magulang.

"Pinatawag ako ni Antonette may pag-uusapan lang kaming importante"sagot naman ng kanyang Ina na si Fiona.

"Hi Tita"bumati naman ang iba pa ng makita nila ang magulang ni Kenna.

"Later need na namin puntahan sila Antonette"napayuko na lang ang mga prinsesa at prinsipe ng marinig ang seryosong tono ng boses ni Reyna Heria.

Nakita nila na sinalubong ito ng dama, ang punong dama ng reyna na si Polly.

"Hatid ko po kayo kamahalan"rinig nilang sabi nito at nakita nila na papunta ito sa personal room ni Antonette.

"Mukhang importante ang pag uusap na gagawin nila"napatango na lang sila sa sinabi ni Julian.

Palihim lang sila tinitignan ng isang limang taon na gulang na bata at napansin naman nila iyon.

Nginitian nila ito at nilaro para mawala ang pagkabagot nila dahil sa nangyari.

"Antonette"napatingin ang mag asawang Arcavia sa bagong dating na nilalang.

"Umupo muna kayo"malamig na sagot nito at napatango naman ang dalawang mag asawa na Atlancia.

Naghanda ng maiinom na tsaa ang punong dama at mabilis na pinaalis ito para masimulan na ang pag uusap nila.

"Nawawala si Yesha"pag sisimula ni Antonette sa usapan.

"Ano? Paano?"gulat na sabi ni Heria at pinakalma naman ito ng asawa dahil sa biglaan na pagtayo nito.

"May lumusob sa distrikto 10 at hindi inaasahan na mapipinsala ng ganun kalala ang distrikto. Marami ang nasawi na mamamayan at binalita sa akin ni Ariel na may kakaibang halimaw ang lumusod doon at walang nakakaalam kung ano ang halimaw na yun dahil unang beses na nakakita ng ganung klase na nilalang isang mata at malalaking katawan higit sa lahat triple ang laki sa atin"pagpapaliwanag ni Antonette dito.

"Anong nilalang yun?Ngayon ko lang narinig ang ganyang klase na halimaw"mahinang sabi ni Heria.

"Kaya pinatawag ko din kayo para sabihin kung anong klase na nilalang sila"napatingin ang apat sa batang babae na nagsalita.

Napahawak sa noo si Antonette at uminom ng tsaa para mapakalma ang sarili dahil alam niya na nakakaramdam siya ng kaba.

"May isang pangyayari na hindi inaasahan ng lahat sa Taas o ang Devas kung saan naninirahan ang Dyosa. May gumamit ng isang forbidden spell para magbukas ang isang lagusan. Ang lagusan na yun ay sagrado dahil doon kinulong ang mga nilalang na may kakaibang bangis at kakaibang anyo. Isa na doon ay ang sumugod sa distrikto 10 at iyon ay ang Cyclones na nilalang na may isang Mata at malalaking katawan"nanlaki ang mata ng apat sa narinig hindi rin napagilan ni Antonette na hindi magulat dahil alam niya ang tungkol doon.

"H-huwag mo sabihin na ang bumukas na portal ay ang Devil World?"nagtatakang napatingin ang tatlo dito.

"What? Anong devil world? Ngayon ko lang narinig yan"tanong ni Raine sa asawa dahil sa hindi pamilyar ang sinabi nito.

"Wala ng iba pa, kundi ang Devil World nga ang binuksan kung saan mundo ito ng mga halimaw na may kakaibang anyo. Kung saan binigyan ito ng isang sacred spell para hindi na mabuksan pa kahit kailan. Ngunit nabuksan pa din ito ng hindi pa natutukoy kung sino man ang nilalang na yun"malamig na sabi ni Scarlet sa tatlo.

"Ang Devil World ay nasa pagitan ito ng Devas at ng Atlancia ngunit nagkaroon ng pagbabago dahil noong libong taon may isang nilalang gumawa ng mundo na yun para gamitin na panakop sa buong mundo. Ngunit hindi nag tagumpay dahil umibig ito at walang nakakaalam kung buhay pa ba ang nilalang na yun o hindi na"pagpapatulong pa ni Scarlet sa pagkwekwento niya.

"May nabasa ako noon na aklat dito sa library ng Arcavia, may isang babae na may kakaibang liksi at bilis ngunit nabubuhay ito sa gamit ang pag inom ng dugo. Isa itong nilalang na may kakaibang lakas at kapangyarihan kaya nakagawa ito ng isang mundo. At iyon ay ang Devil World nabasa ko pa na gagamitin ito ng nilalang na yun upang masakop pa ang ibang mundo ngunit nabago ang lahat ng may makilala itong babae na mortal at umibig ito kaya hindi tinuloy nito ang plano dahil sa hiling ng kanyang iniibig. Hindi ako sigurado kung totoo ang nabasa ko noon dahil limang taon palang ako nun at hindi rin ako sigurado kung tama ba ang pagkakaintindi ko doon"mahabang paliwanag ni Antonette sa mga kasama at napatango na lang ng tatlo dahil sa sinabi nito.

"Ang gusto ko sabihin sa inyo, ihanda niyo ang lahat lalo na para maiwasan ang nangyari katulad sa distrikto 10"napatingin ang apat ng lumabas ang isang hologram at napatayo si Antonette sa gulat dahil sa nakita.

"Yan na ba ang distrikto 10 ngayon?"hindi makapaniwalang sabi ni Heria.

Makikita sa hologram ang mga sunog na kabundukan, mga sira sirang kabahayan at maging ang mga kampo na ginagamit ng mga kawal sa distrikto 10.

"Hindi ko akalain na mas malala pa ito sa naging ulat ni Ariel"hindi makapaniwala na sabi ni Raine sabay tingin sa asawa nito na walang emosyon na pinapakita.

Napakuyom sa galit si Antonette dahil sa nakita na nangyari, lalo na tila hindi naging abandonado ang itsura ng lalawigan na yun.

"Kaya hanggat maaari ihanda niyo ang mga kawal niyo at ang mamamayan niyo dahil mga Cylcone palang ang gumawa niyan paano pa kaya kapag may iba pa"napatingin na lang ng lahat ng mabilis na lumabas si Antonette sa silid kung saan sila nag uusap.

May pakiramdam siya na kaya hindi pa bumabalik o nagpapakita ang anak dahil sa sinapit ng distrikto 10.

-----

"H-hindi ako babalik ng Arcavia"humihikbi na sabi ng isang dalaga na kulay pula ang buhok.

Nakatanaw ito sa isang lugar kung saan wasak ang buong bayan at tila dinaanan ng isang malaking gyera.

"Kasalanan ko ito nagpabaya ako"lumuluhang sabi nito sa sarili at napaiyak pa ito lalo ng maramdaman niya ang isang mainit na yakap.

"Wala kang kasalanan Lili"bulong ng isang babae na kulay abo ang mga mata sa dalaga na kulay pula ang buhok.

------

A/N

Sorry for the late update hehe. Naaliw sa ako binasa kong story sobrang ganda kasi and ganun ang gusto kong genre hahaha.

Thank you for the patiently waiting sa update ko. I know mabagal ako mag update. My bad readers din kasi ako hehehe.


Mwuah 😘

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon