Napawang ang bibig ko nang biglang pinigilan siya ni Caspian. Makikita mo talaga sa mukha niyang aliw na aliw siya.

This prick!

"Mga bata bumaba kayo. Magkakasakit ang  Future Empress sa ginagawa niyo. Mahiya kayo" alalang sabi ng ginang na may hawak itong sanggol. Sumunod naman ang mga bata at umupo muna ako para makapag pahinga.

"Maraming salamat po" sabi ko sa ginang at ngumiti naman siya.

"Walang anuman, Future Empress" sabi niya at ngumiti nalang din ako. Ilang minuto din ay nag laro kami ulit. Hanggang dumating ang oras na babalik na kami sa palasyo.

"Ate! Balik ka ulit ha?!" Sabi nila at tumango naman ako. Nag paalam na kami sa kanila. Pagkatapos ay naglakad na kami patungong carriage.

"Tired, Eleena?" Tanong ni Caspian at binigyan ko naman siya ng seryosong mukha.

'Di ba obvious?

"I look at you and asking for help! 'Di mo man lang ako tinulungan" sabi ko kanya at pumamaywang.

"I didn't know" sabi niya and avoided my gazes.

Pshh...

Nakapasok  na ako ng carriage at si Caspian naman may kausap pa sa labas. Naantok na ako dahil sa pagod. "You okay?" sabi niya at tumabi sakin.

Diba dun siya sa kabila?

"Just tired. I'll just take a nap" sabi ko at sumandal sa upuan. He touch my head and lean it to his shoulder. Lalayo sana ako sa kanya ng pinigilan niya ako.

"Take a rest" sabi niya habang naka tingin sa kabilang direksyon. 'Di ko makita ang mukha niya dito. What face is he making right now? Nang dahil antok na ako ay diko nalang ito pinansin.


Nagising ako ng may tumawag sakin. "Eleena..." nakita ko si Anne nakaupo sa gilid ng kama ko. Why did I ended up here?. Bumangon nalang ako at tumingin sa bintana. Gabi na pala.

"Anne,  anong oras na?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko.

"It's past 7:12 pm po" sabi niya habang inaayos ang mga gamit ko. Mahirap nanaman akong makakatulog mamaya. Nagbihis agad ako para makapaghanda sa hapunan . 'Di ko nakasabay si Caspian sa hapunan dahil may trabaho pa daw siya sabi ng butler.

Workaholic...

Napabuntong hininga nalang ako. Patuloy lang ako sa pagkain habang iniisip si Caspian. Parang wala na siyang oras para sa sarili niya. He should at least rest for a whole day. Pero 'di yun nag e-exist sa kanya, gusto niya talagang matapos agad ang trabaho niya dahil may panibago nanamang siyang gagawin bukas. Talagang mahirap ang maging Emperor, maraming responsibilidad. Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad kami ni Anne sa kwarto. Nagbihis ako ng pantulog at sinuklayan naman ni Anne ang buhok ko.

"Eleena, may sabi-sabing pag ibebenta mo ang buhok mo ay bibilhin ng mga merchants sa malaking halaga" sabi niya. I've heard about it before. They said I could sell them in a good amount of money since its considered as one of the rarest that existed.

Kung ibebenta ko toh magiging mayaman na ako!

Di joke lang. Okay pa naman ako dito sa palasyo. Mwahaha!

Nakarinig kami ng katok sa pintuan kaya pinapasok ko naman. Si Alejandro pala.

"What brings you here, Alejandro?" Sabi ko at bumati naman muna siya.

Be My Empress (Completed) (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant