Chapter 20

2.2K 102 13
                                    


"Hi."

Nag angat ng tingin sa akin si Adam, napangiti siya at biglang tumayo.

"Uy, Serenity! Angas mo kagabi ah."

Tumawa ako at napailing. Umupo siya ulit at tinapik ang space sa kaniyang tabi.

Breaktime na ngayon, tumingin ako kayna Kailey na kausap na si Kyla. Nahihiyang inayos ni Kyla ang kaniyang hairclip sa kaliwa, tinulungan siya ni Veronica na ayusin 'yon kaya napangiti siya.

Nakita kong papalapit si Mark dito kaya agad akong humarap kay Adam.

"By the way.. Sorry nga pala kagabi. Mukang nagulo namin 'yung party," nahihiya akong ngumiti.

"Okay lang 'yun."

Tumingin ako kay Mark na nagsalita at nilapag ang tray sa lamesa.

I smiled. "Sorry pa rin."

He chuckled. "Ano ka ba, okay lang. Tsaka namangha talaga ako sayo kagabi! Kayo palang ang unang nakatalo sa mga 'yon."

"True, parang binigyan niyo na rin ng hustisya 'yung mga nabubully dito." Adam said and sipped on his softdrink.

Ngumisi ako ng kaonti at sumandal.

"Like that nerd? Sorry sa term pero.. how is she? Is she okay?"

Natigilan ang dalawa at nagkatinginan. Umubo si Mark kaya napatingin ako sa kaniya.

"She's Kyla. Since first year highschool, palagi na talaga siyang nabubully. Hindi lang namin matulungan dahil.. baka mag iba ang tingin ng mga tao sa amin."

Napanguso ako."Is that even important? Wait, are you related to Kyla? Girlfriend?" I shook my head.

"No," mabilis na sagot ni Adam kaya napatingin naman ako sa kaniya.

Kinakabhan siyang tumingin kay Mark kaya napatingin ulit ako sa kaniya, gano'n din ang reaction niya kaya kumunot ang noo ko.

"Are you hiding something? You can trust me," I sincerely said.

Mark shook his head. "Wala kaming tinatago. Oo nga pala, anong section ka?"

Pinag krus ko ang braso ko at sinagot siya.

Humaba ang usapan namin at kung saan saan na napunta. Nagtatawanan na kami, muntikan na naming makalimutan ang oras kaya naman naisipan na naming magkita nalang ulit kinabukasan.

"The first time i saw you.. i want you to be my girlfriend. Pero ngayong nakilala na kita, gusto nalang kitang maging kaibigan." Adam said.

I laughed and hold my chest. "Ouch, friendzone?"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Boang, hindi naman. Mas masarap ka kasi katawanan eh, diba Mark?"

I looked at Mark, and he smiled at me.

"Yes, I guess we already have a girl bestfriend."

Nang makarating kami sa harap ng room ko ay nagpaalam na ako sa kanila.

Tumawa pa ako nang pisilin nila ang pisngi ko. Pagkatalikod nila, napawi ang ngiti ko sa labi.

Assholes.

Napairap ako at binuksan na ang pintuan. Natigilan ako nang makitang wala pa kaming teacher.

"Mukang nag eenjoy ka sa mga 'yon ah," bungad sa akin ni Elaine.

Umirap ako at umupo sa tabi niya.

"Gano'n na ba ako kagaling umacting? By the way, let's talk about that later."

Greek AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon