Hatid

23 7 0
                                    

𝐇𝐚𝐭𝐢𝐝

w𝘳𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯 𝘣𝘺 juanjaren
𝒷𝒶𝓈𝑒𝒹 𝑜𝓃 𝓉𝒽𝑒 𝓈𝑜𝓃𝑔 "𝐻𝒶𝓉𝒾𝒹 - 𝒯𝒽𝑒 𝒥𝓊𝒶𝓃𝓈"


"♪ Du'n sa lugar kung saan ka magiging masaya

Kahit na hindi ako ang kasama

Ihahatid kita

Walang mangungulit, wala nang magagalit

Huwag kang mag-alala

Ihahatid kita ♪"


~*~

𝙕𝙖𝙮𝙣𝙚's

Nanlalamig. Yan yung pinaparamdam sa akin ni Ava ngayon. Yan yung nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.

Hindi na siya gaya nung dati. Hindi na siya clingy at sweet sa akin. Ibang-iba na siya. Ibang-iba na siya simula nung....

...bumalik yung lalakeng yun sa buhay niya.

"Babe?"

"Hmm?"

"Pupunta ako mamaya sa airport. Susunduin ko si James. Ayos lang ba?" tanong niya sa akin.

Nang marinig ko 'yon, parang biglang nawasak yung puso ko. Nang marinig ko ang pangalan ng lalakeng yun.

Si James. Childhood bestfriend ni Ava.

Kaibigan niya, na may pagtingin sa kaniya, at iniwanan siya ng pangako na pagbalik niya, magpapakasal sila ni Ava.

Nakakainis ano? Nakakainis kasi kahit tatlong taon na kami ni Ava, may takot parin sa puso ko nab aka iwanan niya ako pag bumalik yung lalakeng nangako sa kaniya dati.

I cleared my throat before answering her.

"Ikaw lang?" nagtataka kong tanong. "Samahan na kita."

"Ay babe wag na, ako nalang. Kaya ko naman eh." nakangiti niyang sabi.

"Eh? Ayaw mo bang samahan kita?"

"Wag na babe. Promise. Kaya ko na. Tsaka isa pa, sabi niya magdidinner daw kami after eh. Ipapakilala nalang kita kapag nakauwi na siya."

Para akong nakarinig ng malakas na pagsabog. Ewan, bigla akong nasaktan.

Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit. "Okay then, enjoy."

"Yeeey! Thank you babe! I love you!" masigla niyang sabi at tsaka niya ako hinalikan sa pisngi at niyakap.

Labag sa kalooban ko. Pero wala naman akong magagawa.

Palagi naman eh. Palagi namang siya yung nasusunod. Kapag inayawan ko siya sa gusto niya, magagalit siya. At magsisimula na namang ang away. Ayoko na.

Sawa na akong makipag-away sa kaniya. Kaya hangga't kaya kong babaan ang pride ko, gagawin ko.

Ito na yung araw na kinatatakutan ko. Ang bumalik ang lalakeng matagal na niyang hinihintay na bumalik.

Nalaman ko lang ang tungkol sa kanilang dalawa last year.

Nag-away nga kami nun eh. Pero in the end, kahit hindi ako ang may maling ginawa, ako parin yung sumuyo. Ako parin yung gumawa ng paraan para magkaayos kami.

Naisip ko naring iwan siya, pero...

Wala eh. Mahal ko eh.

"Alis na ako babe!" masigla niyang sabi.

RewrittenWhere stories live. Discover now