GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO

Start from the beginning
                                    

Ilang saglit pa noong bigla na lamang umihip ang napakalamig na hangin dahilan upang ako ay ginawin kaya dito ay naramdaman ko ang paghaplos ni Lee sa aking likuran dahilan upang ngitian ko ito na kaagad naman nitong tinugunan. Sa kabila kong tabi naman naroroon si Danny at seryoso ding nakamasid sa mga nilalang na nasa labas habang bahagyang nanginginig ang bibig nito dahil sa taglay na ginaw ng hangin. Alam kong labis na itong nilalamig ngunit nilalabanan niya lang ito upang magmukha itong astig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahahabag dahil sa kanyang sitwasyon ngayon.

Nasa ganoong tagpo kami noong bigla na lamang nagliwanag ang kwentas na ibinigay ng aking ama kay Lee na nakasabit sa kanyang leeg hudyat na may panganib ang nagbabadya kaya naman mas lalong nagibayo ang pagtibok ang aking puso. Dito ay nabaling naman ang tingin ng aking mga kasama kay Lee at pinagmasdan itong mabuti na tila inaantay ang susunod na mangyayari. Mas nagliwanag pa lalo ang kwentas hanggang sa balutin nito ang katawan ni Lee hanggang sa unti unting humuhupa ang liwanag sa kanyang katawan at bigla na lamang nawala ang liwanag at dito tumambad sa aming paningin ang suot nitong kalasag habang hawak ang isang espada dahilan upang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lee hudyat ng kanyang pagkamangha.

Bumaling muli kami sa mga nilalang. "Ano ang mga iyan?" Seryosong tanong ni Efron habang nakatingin sa mga ito. Maigi nitong pinagmamasdan ang mga nilalang na nasa kabilang dalampasigan wari pinagaaralan niya ang mga ito.

"Ang mga iyan ay ang tinatawag na mga Gwano. Ang mga Gwano ay isinumpa ng haring Rascal matagal na panahon na ang nakalilipas. Dating mga tao ang mga nilalang na iyan na rebelde at gumawa ng alyansa laban sa hari upang mawala sa mundong ito si Gilom sa paniniwalang may dalang sumpa si Gilom. Ang mga iyan rin ang dahilan kung bakit namatay ang amang hari ni Haring Rascal na si Haring Ignar." Salaysay ni Gurong Yunim.

At dito nga ay may naalala akong tagpo na may kaukulan sa mga sinambit ni Gurong Yunim.

PAGBABALIK ALAALA...

Agad naman akong nagtungo sa loob ng palasyo kung saan nagaganap ang labanan ngunit noong ako ay magbalik doon ay dito ko nadatnan ang malamig na bangkay ng aking ama. May mga tama ito ng mga bala ng pana sa gawing likuran maging sa dibdib nito dahilan upang umakyat sa aking ulo ang galit dahil sa sinapit ng aking ama.

Dito nagsimulang yumanig ang kapaligiran kasabay nito ang paglutang ng akimg katawan pabulusok sa itaas ng palasyo. Naglalabas ng gintong usok ang aking katawan na parang sumasabay sa pagpintig ng tibok ng aking puso ang usok na ito. Nasa ganoong paglutang ang aking katawan noong magliwanag ang aking mata kasabay nito ang pagliyab ng aking buhok.

"Isinusumpa ko sa mga taong nangahas na sugurin ang aking kaharian at pumaslang sa aking ama, sa mga sandaling ito ay magbabago ang inyong mga wangis!! mula sa maaamong mukhang taglay niyo ay mapapalitan ang inyong mga anyo bilang isang mababangis na halimaw, upang kayo ay layuan at pandirihan ng mga mamamayan dito sa Verathra. Isinusumpa ko na sa oras na kayo ay mamatay, kayo ay maglalaho't magiging abo at walang bangkay ang matitira sa inyo dahil kayo ay salot sa lupaing ito. Isinusumpa ko rin na kahit kailan ay hindi makakapasok sa kahariang ito ang mga nilalang na may masasamang hangarin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga taong naninirahan rito.

Sa ngalan ng tagapaglikha at pagmamahal ko sa lupaing ito ay babasbasan ko ang aking salita!!!!" Sigaw ko sabay na itinapat sa kalangitan ang aking mga kamay dahilan upang maglabas ito ng liwanag na bumalot sa kaharian ng Verathra, dito ay nasilayan ng taong bayan ang isang malaking bilog ang bumalot sa buong lupain bilang aming pananggalang.

Nasa ganoong tagpo ako nang biglang lumabas ang napakalaking buwan sa kalangitan na may taglay na gintong liwanag. Isa isang nagsiangat ang mga taong nagkasala sa akin at dito ay unti unting nagbabago ang kanilang mga anyo. Naging mga halimaw ang mga ito na parang mababangis na mga uso at walang ano ano'y ikinumpas ko ang aking kamay at agad na tumilapon ang mga ito palabas sa kahariang ngayon ay balot na ng pananggalang.

Glowing Gems Where stories live. Discover now