GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP

305 23 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Agad naman akong nagsimulang humakbang upang puntahan ang mga ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang pinalibutan ng apoy sila inay dahilan upang mas matakot pa ang mga ito. Dito ay bigla naman akong nataranta.

"Ano na ang gagawin ko?" Natataranta kong tanong sa aking sarili. Ilang sandali pa akong nakatayo at nagiisip ng paraan kung paano ko maiaalis sina inay rito. Dito ay sinubukan kong ikumpas ang aking mga kamay sa apoy na nakapalibot kina inay at agad din naman itong nawala ngunit maya maya lamang ay agad din itong bumabalik.

Dito ay nagiibayo ang aking pagnanais na ialis sila rito kaya nag isip ako ng paraan kung paano ko aagapan ang trahedyang ito. Gamit ang aking mga kamay na walang humpay sa pagliwanag ng mga ugat nito ay bigla kong naikuyom ang mga ito ng sobrang higpit dahilan upang magliwanag ang aking dibdib at dito ay may gumapang na liwanag pagapang sa aking mga paa at gumawa ng isang guhit bilog na apoy na kulay asul na labis kong ikinamangha. Sigurado akong ligtas ang bilog na apoy na ito na nilikha ng liwanag sa aking dibdib kaya buong tapang akong lumakad sa kinaroroonan nila inay.

Nagsimula na akong humakbang papunta kina inay at ang bawat apoy na mahahagip ng bilog na apoy na aking ginawa ay bigla na lamang sumasama ito rito. Ilang sandali pa noong makalapit ako kina lola't inay kaya agad ko itong niyakap sa kadahilanang nagtagumpay akong lapitan sila.

"MAHIWAGANG PANAGINIP"

Quicke_Ow

Part 7

Iminulat ko ang aking mga mata noong maramdaman ko ang malamig na pag ihip ng hangin. Hindi ito ang pangkaraniwang temperatura dahil sa taglay nitong kakaibang lamig na bumabalot sa aking sarili.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa isang bungad ng kabundukan. Hindi ako pamilyar sa bundok na ito na tila ba ay bago ito sa aking paningin. Dito ay may kung anong bagay ang naguudyok sa aking suungin ang loob ng kabundukan kaya nagsimula na akong humakbang upang tuklasin ang kung anong mga bagay ang mayroon ang kabundukang ito. Dala na rin siguro ng aking pagnanais na matuklasan ang kung anong meron sa kabundukang ito ay nagsimula nang humakbang ang aking mga paa.

Hindi taliwas sa aking nararamdaman ang mapangahas na kilos na ito dahil ang alam ko lamang ay tuklasin ang mga bagay na naririto. Ni hindi ko alam kung anong mga bagay ang nakahimlay sa dako pa roon dahilan upang ako ay makaramdam ng labis na takot.

Patuloy ako sa paglalakad habang nililinga ko ang paligid at pagmasdan ito. Nasa ganoong paglalakad ako nang biglang magbago ang aking pakiramdam. Dito ay bahagya akong nakaramdam ng init sa aking sarili na tila inilalagay nito sa angkop na klima ang aking katawan dito sa loob ng kakahuyan.

Patuloy ako sa paglalakad...

Sumasayaw ang mga dahon sa mga sanga ng puno sa saliw ng pag ihip ng hangin dito sa loob na tila ba maligaya ang mga ito. Para bang may sariling buhay ang mga ito dahilan upang ako ay mamangha. Hindi ko alam kung saan ako paroroon ngunit patuloy pa rin sa paghakbang ang aking mga paa.

Glowing Gems Where stories live. Discover now