GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM

177 18 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Nagsimula na akong maglakad hanggang sa marating ko na ang bungad ng kabundukan. Maigi kong pinagmasdan ang kapaligiran mula sa mga matatayog at naglalakihang mga puno, mga huni ng kuliglig, kulay berdeng mga damo, at sariwang hangin na bumabalot sa paligid.

Nasa ganoong pagmamasid ako noong biglang umihip ang hangin sa paligid dahilan upang makaramdam ako ng labis na pagkaginaw. Ngunit agad din naman naka adjust ang aking katawan sa klima dahil sa aking kakayahang bigyan ng naaayon na temperatura ang aking katawan.

Bumuntong hininga na muna ako bago ko napagpasyahang tahakin ang kabundukan at tuklasin ang mga bagay na nakahimlay sa dako pa roon. Nagsimula ng humakbang ang aking mga paa at agad na sinuong ang kakahuyan.

Nawa ay maganda ang kalalabasan ng aking pagtuklas sa kabundukang ito, maging matagumpay sana ang aking paglalakbay.

Walang kasiguraduhan ang mga ito basta't ang alam ko lang ay kailangan kong mahanapan ng kasagutan ang mga bagay na nagpapagulo sa aking sarili. Hindi ko batid kung ano ang naghihintay sa akin sa kabilang parte ng kabundukang ito.

"ANG MANLALAKBAY NA SI LOM"

Quicke_Ow

Part 9

Walang patutunguhan ang aking paglalakad at sa wari ko ay isa akong ligaw na kaluluwa na pilit na hinahanap ang liwanag ngunit bigo akong mahanap ito.

Ilang oras na din akong naglalakad at labis na pagod ang aking nararamdaman sa mga oras na ito na tila mapapatid na ang aking hininga gawa sa labis na pagod at layo ng aking linakbay. Hindi ko alam kung saan ako paroroon basta't ang alam ko ay hinahanap ko ang mga kasagutan ngunit di ko batid kung nasaan ito.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mamataan akong ilog sa di kalayuan. Maganda ang paligid at talagang nakakamangha itong pagmasdan na tila isa itong paraiso na nagtataglay ng kapayapaan kasabay nito ang panunuyo ng aking lalamunan dahil sa pagod.

Agad akong nanakbo papunta sa ilog at walang kyemeng sumalok ako ng tubig at agad ko itong ininom. Ninamnam ko ang pagdaloy ng tubig pagapang sa aking lalamunan, tila napawi ang labis na panunuyo nito dahil sa linamnam at manamisnamis na lasa ng tubig.

Nakaramdan naman ako ng labis na kaginhawaan at kapayapaan sa aking sarili dulot ng tubig na aking ininom. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi sa di malamang kadahilanan.

Pinagmasdan ko ang paligid at talaga ngang may taglay itong kagandahan na sinabayan pa ng paglipad ng mga ibon sa paligid at ang ilan naman ay nasa mga sanga ng puno at parang umaawit ang mga ito. Nasa ganoong pagmamasid ako ng mabaling ang aking paningin sa tabi ng ilog at nakapukaw sa aking atensyon ang markang nakaukit sa lupa dahilan upang mangunot ang aking noo.

Glowing Gems Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon