GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1

117 18 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Lumapit naman ito sa akin ng nakangiti. "Walang may mali sa iyong nagawa hijo. Huwag kang matakot sa akin dahil simula ngayon ay ako na ang gagabay at magtuturo sa iyo. Matagal na panahon kitang inantay na muling magbalik sa aking kaharian, salamat kay Gael na parating nariyan sa iyong tabi upang ikaw ay pangalagaan." Ani nito at dito ay hindi ko inaasahan ang aking nakita. Isang butil ng luha ang gumapang sa pisngi ng hari na labis kong ikinataranta.

"Pasensya na po sa aking mga nagawang pagkakamali, handa po akong pagbayaran ang lahat ng iyon kung iyong nanaisin." Ang natataranta kong saad.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga sandaling ito. Tila masisiraan na ako ng bait dahil sa mga tagpong ito, ayon kay Gael na matinding ipinagbabawal sa kaharian ang magpakita ng kahinaan sa harapan ng hari kaya heto ako ngayon inihahanda ang aking sarili sa aking napipintong katapusan.

"Wala kang dapat ipagpasensya hijo. Maaari ba kitang mayakap?" Pakiusap nito na nagpangiti sa akin. Sa hindi malamang kadahilanan ay agad akong sumang ayon sa kagustuhan ng hari.

Lumapit ito sa akin at walang ano ano'y agad ako nitong niyakap ng napakahigpit. Noong maglapat ang aming mga katawan ay tila may umusbong na pananabik sa aking kaibuturan na tila nagdiriwang ang aking pagkatao kaya wala akong nagawa kundi ang damhin ang yakap nito. Nasa ganoong pagyayakapan kami nang bigla na lamang nagpatiunahang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Ang mga yakap na ito ay may pagpapahalaga, pananabik, at ligaya na hindi ko mawari.

"ANG PAGKATAO NI LOM 1"

Quicke_Ow

Part 13

Hinahaplos namin ang likuran ng isa't isa na tila pinapatahan namin ang bawat sariling lumuluha.

"Napalaki ka ng mabuti ng mga taong kumupkop sa iyo dahil sa ramdam ko ang dalisay na tibok ng iyong puso. Talaga namang hindi ako binigo ni Caloy at tinupad nila ang aking kahilingan. Maligayang pagbabalik sa aking kaharian Gilom...anak ko." Saad nito habang nakayakap sa akin dahilan upang panlakihan ako ng aking mga mata kasabay nito ang aking pagkalas sa pagkakayakap sa hari. Tila nadagdagan ang mga agam agam sa aking sarili. Ni hindi ko pa nga magawang makuha ang mga kasagutan sa nangyayari sa akin heto at may panibago na naman akong kahaharapin.

"Anong ibig ninyong sabihin." Takang tanong ko rito.

Bumuntong hininga naman ito. "Alam kong naguguluhan ka sa mga sandaling ito. Ngunit hayaan mo akong mapunan ang mga agam agam na bumabagabag sa iyo." Tugon nito sabay na inakay ako nito paakyat sa mga naglalakihang trono.

"Maupo ka at pakinggan ako." Turan nito sabay na itunuro ang trono sa kanyang tabi na sa pagkakaalam ko ay trono ito ng reyna.

"Ngunit ang tro---" Putol kong saad dahil agad itong sumabad.

"Walang problema kung ikaw ay uupo riyan. Pagaari ito ng iyong ina kaya't ayos lang na maupo ka riyan." Ani nito kaya wala na akong nagawa kundi ang maupo. Inaantay ko lamang ang mga sasabihin ng hari upang masagot na ang aking mga katanungan.

Glowing Gems Where stories live. Discover now