"Hello Summer, nandito na ako sa Hotel na sinasabi mo. Ang bongga naman pala dito, siguro kung kayo ni Gin ang pumunta dito baka may inaanak na ako agad." Pang-aasar ko sa kanya.
Magka-video call kasi kami ngayon dahil ito ang request niya. Nakita ko ang sama ng tingin niya sa akin, mabuti nalang at wala siya dito kundi ay baka nakurot na ako nito sa mukha.
"Alam mo ikaw babae ka! Bakit ba ipinagtutulakan mo ako kay Gin ha? Kaya kita pinapunta diyan para maayos mo ang buhay mo dahil napaka-sakit Ate Charo!"
Pareho kaming napatawa sa sinabi niyang joke. Kahit kailan talaga napaka-hyper ng babaeng ito. Linggo ngayon at walang trabaho kaya nasa kama parin si Summer kahit na tanghali na kung tutuosin.
"By the way Essang bago ko makalimutan, can you meet my kababata there may ibibigay kasi siya sa akin eh hindi naman ako natuloy, baka pwedeng ikaw nalang ang kumuha." Biglang banat na naman ni Summer.
Ang sabi sa akin ng tour guide, bukas pa daw ang start ng tour namin at tanghali palang naman ngayon kaya marami pa akong bakanteng oras.
"Osige, bigay mo nalang number niya sa akin para ako nalang makipag usap sa kanya kung sakali."
Agad namang ngumiti ng ubod ng tamis si Summer, tapos ay napakadami na agad niyang bilin na pasalubong pagkatapos no'n.
Agad na din naman naming tinapos ang usap dahil kailangan na daw niyang kumain dahil nagugutom na daw siya, at ako naman? Kailangan ko ng mag-ayos ng gamit syempre. Alas-tres kasi ang sinabi sa aking oras ni Summer na kitaan nila nung sinasabi niyang kababata.
Hindi ko alam na may kababata pala si Summer dito. Bulong ko sa aking sarii habang nagaayos ng mga gamit ko. Isinabay ko na din ng pag aayos ko ng aking sarili dahil two-thirty na at kailangan ko ng bumaba sa Cafe na sinabi sa'kin ni Summer which is nasa Hotel din naman kaya di na ako mahihirapan diba!
Isang simpleng summer dress lang ang isinuot ko tsaka floral na sling bag na kapareho ng suot kong damit, tapos ipinartner ko ang simpleng sandals ko na regalo sa akin ni Summer last year. Naglagay din ako ng kaunting make up para naman mag mukhang presentable ako sa harap ng kababata ni Summer.
At exactly three o'clock ay dumating na ko sa Cafe na sinasabi ni Summer, agad na itinext ko naman ang kikitain ko para idetalye kung ano ang suot kong damit pati narin para masabi kong nasa meeting place na ako.
I was about to drink my coffee when a familiar voice called me. Natigilan ako dahil parang nahihirapan ang sistema kong tanggapin na narinig ko siya na tinatawag ang pangalan ko. Sa tagal ng pinag-samahan namin ay kabisadong kabisado ko na ng boses niya.
Dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at doon ko nakita ang lalaking hindi ko inakalang makikita ko pa.
"T-Tristan?"
Halos maibulong ko ang tanong na iyon, he was also shocked seeing me. Same as me, I am also surprised to see him here, I mean he can afford like this dahil mayaman naman siya pero kasi, bakit kailangan magkita pa kami.
For what reason?
"Hey Vanessa, I'm sorry for calling. May kikitain kasi ako then I saw you, pareho kasi kayo ng sinasabing itsura. Sorry." Agad na bawi niya ng maramdaman niya sigurong ang awkward na ng sitwasyon namin.
Same as mine? What the hell! I wanted to say it loud, thinking that maybe destiny is playing on us? Bakit kailangan makatulad ko pa ang taong hina——wait! Agad na napatingin ulit ako kay Tristan.
"Don't tell me ikaw iyong kababatang sinasabi ni Summer?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Si Sum? Hindi niya ako kababata you know that, pero siya ang namilit sa akin na pumunta dito to meet her cousin. Kasi tambak daw siya ng work ngayon."
What the hell Summer Madrigal! I want to shout at her right now really loud. Na-set up niya ako. Kaya pala, kaya pala ito agad ang inoffer niya the moment na nalaman niyang pinag-leave ako. Humanda talaga sa akin ang Madrigal na iyon pagbalik ko.
"So ikaw nga ang kikitain ko dito. Mukhang na-set up tayo. Upo ka."
I smiled at him, yes I did that! This is all because of my best friend anyway. Busy na tao si Tristan, madami siyang endorsement and I was so surprised when he said na because of Summer kaya nandito siya. I mean that's new to me.
"I'm sorry for what Summer did, I know busy ka at naabala ka——"
"No it's okay, you dont have to say sorry for what Summer did. Plano ko din naman kasing mag-bakasyon so I said yes to what Summer's request. By the way, do you still like seafood?"
Gusto ko biglang matawa sa huli niyang itinanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko naman na naiilang din siya tulad ko. I mean, fresh pa ang break up namin and yet we are here, on the same table and talking like we are just friends or like we dont have past.
"Yes, wala namang nagbago sa mga paborito ko. Maiba ko lang ha Tristan, wala ka bang trabaho kaya naka-punta ka dito?"
He smiled at me, its a sad smile tho. Iyong ngiti na hindi umaabot sa mga mata.
"I'm on a leave right now Vanessa."
Maikisi at dama ko ang sakit, lungkot, pangungulila sa boses niya. Pero hindi ako marupok.
"Oh! That's good for you. Anyway, I'll treat you nalang ng lunch? Pang-bawi nalang sa ginawa ni Summer."
He smirked at me this time. Wala paring nagbago sa ugali niya, hindi parin talaga siya papayag na babae ang magbayad ng kakainin niya for a meal. Ganyan ang ibig-sabihin ng mga ngisi niya. I know him. I really do.
Our lunch went well, maybe it was. We ate seafood together which one of our plans to do before nung kami pa. Nakakatawa lang na we do it together, but as friends maybe? I'm not really sure, pero that moment, after our meal served we started talking like nothing happened between us. Is that a sign?
After nung lunch namin, bumalik na agad ako sa room ko to rest. Bigla ko kasing naramdaman iyong pagod sa naging byahe ko sa araw na ito, pero ang weird sa nararamdaman ko, is that hindi ako nasasaktan ngayon. Hindi din ako nalulungkot kahit na nakasama at nakausap ko ang taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
Nakahiga na ako sa bed ko dahil plano ko na sana talagang matulog, kaso tumunog iyong phone ko so I checked it.
It was message from him, kasi iyon ang number na ibinigay sa'kin ni Summer na number daw 'kuno' ng kanyang kababata.
"Hey! Thanks for today. Rest well Vanessa, and I miss you so much." It was his message.
Hindi ko alam pero habang binabasa ko ang message niya, parang may kung anong kiliti sa puso ko na naging dahilan ng awtomatikong pag-ngiti ng labi ko.
Nung mga oras na iyon, bigla ko nalang naramdaman ang antok at hindi ko na iyon napigilan pa. Hindi na ako nag reply sa message niya at agad na tumulog nalang nang may ngiti sa aking labi.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Another Try
Ficção GeralIs it worth it to give it "another try"? ©All Rights Reserved 2020.
