Chapter Two

16 4 0
                                        

"Good work Ms. Reyes, I think this will be okay. Ipapasa ko nalang ito para magawa na nila at maibenta na natin ito."

Masayang sabi ni Madam, ipinasa ko na sa kanya ang manuscript na inedit namin at nagustuhan naman niya iyon.

Today is friday and ito din ang last day na ipinangako ko sa kanya. Like what I said two days ago, hindi iyong manuscript ang pinoproblema ko dahil iyon naman ang lagi kong trabaho kaya wala ng bago sa akin doon.

"And like what I told you, I need to talk to you. I already talked to the heads and other board members about your situation. Alam mo naman na kilala ka na nila and they know how good you are when it comes to work and they suggested that, maybe you need rest. Maybe three months leave is already enough for you to fix everything about your life, right? Is it okay with you?"

I'm speechless, hearing those words from her right now. Agad na napaluha ako at parang hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Hindi ako makasagot at napapahikbi nalang ako dahil sobra akong na-touch dahil sa sinabi niyang iyon.

"Hey, you don't have to cry Ms. Reyes, you're doing your job according to what we commanded. And right now nauunawaan namin ang sitwasyon mo. And also, we want to promote you as an head of editorial team, bale hindi na ako ang boss mo dahil halos pantay na tayo ng sitwasyon dito. Lalaki din ang sweldo mo at syempre! 30% of your time hawak mo, you can also do the works on your home like what I do. And dear, you deserved all of this."

This is too much. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Being head of editorial team is my goal, and right now... I am one of the head. Hindi mapalagay ang puso ko sa sobrang saya.

"Madam, sobra sobra naman po ito. Baka po nadadala lang kayo dahil alam niyong may pinagdadaanan ako ngayon, ayuko lang po sanang may masabing kung ano ang mga kasama ko, baka akalain nilang sumipsip lang ako kaya ko naabot 'yong pagiging head. Okay naman na po ako sa pagiging editor nalang tapo sa three months leave--"

"Like what I said Ms. Reyes, you deserved it. At on the process na iyon, gusto naman talaga ng board members na I promote ka, I only suggested to them is your leave. Pero iyong sa promotion mo, is all because of you, for your hardwork and sa pagiging dedicated mo sa ginagawa mo, and don't worry isasabay na namin si Ms. Madrigal sa promotion mo dahil pareho kayo at habang nasa leave ka pwedeng si Ms. Madrigal na muna ang umasikaso sa lahat."

Si Summer. Ang sarap sa pakiramdam na sabay naming naabot ni Summer ang pareho naming goal na position dito sa trabaho namin.

Dahil sa sobrang saya na aking nararamdaman, napatayo na ako at napatakbo papunta sa pwesto ni Madam at nayakap ko siya.

She hugged me back, ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko pero nakuha niya parin akong gantihan ng yakap kasabay ng mahinang pag-tap niya sa likod ko habang binabati niya akong 'Congrats!' simple at maiksi man iyon pero para na akong nanalo sa lotto.

Alam kong matutuwa din si Summer once na malaman niya ito at si Tristan din dahil--

Agad akong napakalas sa pagkakayakap ko kay Madam, agad ding bumigat ang pakiramdam ko, parang biglang bumalik ako sa reyalidad na si Tristan at Ako ay wala na nga pala.

"Ms. Reyes?"

Agad akong naplingon kay Madam, nag-aalala ang mga tingin niya sa akin, kaya agad na nagpaalam na ako sa kanya. Pumayag naman siya agad at ibinilin niya lang na bukas ang unang araw ng leave ko kaya sinabi ko narin na mag-aayos na din ako ng gamit ko.

Pagbalik ko sa table ko, agad na lumapit naman sa akin si Summer. Nagmamadali itong humila ng upuan at agad na umupo sa tabi ko, ipinatong pa nito ang kaliwang braso niya sa table ko habang nakatingin naman sa'kin na may ngiting 'anong balita?'.

"Pasado 'yong ginawa natin Sum, at mawawala din muna ako sa trabaho pansamantala."

Gulat na napa-ayos naman siya ng upo kaya nagtataka naman akong tumingin ulit sa kanya, balak ko na kasi sanang mag ligpit ng nakakalat sa table kong mga scratch.

"Vanessa Reyes, 'wag mong sabihin sa aking nag-resign ka na?" Seryosong tanong niya.

"Anong pinagsasasabi mo diyan Summer Madrigal? Wala pa akong balak umalis sa trabaho ko. Pinag-leave lang po ako ni Madam ng three months."

Natawa ako nung mag-buntong hininga siya na akala mo nabunotan siya ng tinik sa isinagot ko.

Gusto ko na sanang ibalita sa kanya ang tungkol doon sa promotion naming pareho, pero ibinilin sa akin ni Madam na pag balik ko nalang daw nila ia-announce ang tungkol sa bagay na iyon.

"Akala ko naman nag-resign ka na bigla. Pero maiba ko girl, ano palang gagawin mo sa leave mo? Naalala ko kasing may fair ticket na ibinagay sa akin si Gin, hindi naman kami matutuloy dahil may biglaang lakad daw siya tapos ako eh magpapaka-busy sa work baka gusto mong sayo nalang 'yong ticket ko, bayad na namin lahat iyon, so bale mage-enjoy ka nalang."

Nangunot naman ang noo ko. Si Gin ang manliligaw ni Summer, dalawang taon na yata iyong nanliligaw sa kanya. Mayaman at anak ng artista iyon pero napaka-private na tao kaya walang ma-issue na girlfriend iyon.

"Kung para pala sa inyo ni Gin iyon edi for couple iyon Summer, single kaya ako." Natatawang sagot ko sa kanya.

Napasimangot naman si Summer sa sinabi ko.

"Hindi iyon for couple Essang, pareho lang kaming nag-avail ni Gin kaso may importante palang lakad si Gin sa araw nung flight so masasayang lang iyon. Ibibigay nalang daw iyon ni Gin sa pinsan niya, at iyong sa akin naman sa iyo ko nalang ibibigay para hindi masayang."

Nangungunot pa ang noo niya sa pagpapaliwanag niya sa akin, isabay mo pa ang kamay niya na hindi mapakali. Masyadong in denial kasi itong si Summer, feeling ko type na din niya si Gin eh, kaso natatakot lang siguro siyang sumubok ulit.

"Osige kung tatanggapin ko iyong fair ticket mo, saan naman papunta iyon?"

"Edi sa Ilocos, one week lang naman iyon Essang pero kung gusto mo pang mag-stay doon ng mas matagal, you can extend. Sabihin mo lang sa akin para maitawag ko sa kanila. So kunin mo ba?"

Natahimik ako sandali, at napaisip. Hindi pa ako nakakapunta sa Ilocos, dapat nga ay doon ang unang gala namin ni Tristan sa anniversary namin this coming sunday. Pero siguro this time ako nalang ang matutuloy papunta doon.

Nakangiting ibinalik ko ang tingin ko kay Summer na napakalawak na din ng ngiti sa akin.

"Okay, ako na ang gagamit ng ticket mo."

Masayang napapalakpak pa si Summer at inabot niya agad sa akin ang sinasabi niyang ticket. Naka-plano talaga itong babaeng ito, parang alam na alam niya na bibigyan ako ng leave ngayon eh, auto offer kasi sa'kin ng gala.

Maryose! Sunday pala ang flight nito!

Another TryWhere stories live. Discover now