Chapter 36

18 2 4
                                    

Chapter 36: Family


         "Si daddy, mommy I want to say sorry to him."


      Tumango ako kay Laurent habang pababa kami ng penthouse ni Jairus dala dala ang mga bagahe namin.




       "Cavite is still Philippines or other country na po?" Natatawa kong tiningnan si Yves. He's so cute actually! Lahat naman ng mga anak ko, mana kase sa mommy!

     

        "Its still Philippines Baby, 2 hours away lang." Sagot ko at tumango sila. Kasama ko si Jairus na buhat ang isa ko pang bagahe na naglalaman ng mga gamit ng mga anak ko.


        "Jai, about your—-"



       "Evie mag enjoy ka nga kase muna."


      Ayan nanaman siya! Isang linggo na nga simula nung umuwi ako dito sa Pinas pero ayaw niya pang simulan ang pag proseso ng annulment paper nila ng asawa niya.



        "Jai be honest with me. Hindi mo kayang hiwalayan ang asawa mo noh?"



      Kunot noo niya akong tiningnan at tumawa lang. Hanggang sa makarating na kami sa parking lot kung saan nag-aantay ang sasakyan ni Maverick.



       "Wow family Van! Mukang bago to rick ah!" Ngumisi si Maverick kay Jairus bago batiin ng yakap ang triplets.



       "Malaki ang pamilya ko Jairus." Sagot niya dito bago kuhanin ang bagahe ko. Kinuha niya rin yung nakay Jairus at inilagay na sa likod ng sasakyan niya.


      "Hanep!" Natatawang sabi ni Jairus. "Ingat kayo sa byahe! Evie bibisitahin kita doon. Tatawag na lang ako." He said. Tumango ako sakanya. Nag paalam na siya sa mga pamangkin niya at kiniss niya ako sa cheeks ko bago ako sumakay sa sasakyan ni Maverick.


      Nasa back seat ang tatlo at kumportableng kumportable ng naka upo doon. Nasa pinaka likod na upuan si Laurent na may hawak ng libro at katabi niya ang bagahe namin. Si Yves at Saint naman ang nasa likod namin at kaming dalawa ni Maverick ang nasa front seat.


       "Bagahe pa lang ang nasa tabi ni Laurent. Sa susunod Baby sister na dapat ang nakaupo diyan." Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang siya.



       I dont know how to describe our ride, chaotic? Pero masaya naman. Laurent is still silent pero kapag kinakausap ko siya o ni Maverick ay nasagot naman siya. Medyo naiilang siya sa daddy niya. Siguro ay dahil sa sinabi niya dito noong gabing yun.


       "You know the way?" I asked ng makarating kami sa Imus, tumango lang siya saakin habang nasa kalsada parin ang paningin.



       "Mommy gutom!" Saktong pag-aalburoto ni Saint Drei ay malapit na kami sa District Mall imus kaya walang pag aalinlangang lumiko doon si Maverick.



        "Malapit na naman tayo saamin. Baka naghanda na ng pagkain si mommy at daddy." Sabi ko sakanya at naiiling lang siyang ngumiti.



        "Light meals lang mommy." Nag pout si saint kaya tumango nalang ako at ibinaba niya na kami sa entrance ng mall, Pumarada na si Maverick kaya nauna na kami pumasok sa loob. There's Mcdo and Jollibee pero hindi ata nila type kaya hinintay muna namin si Maverick bago mag dire-diretso sa loob.



        "Lets go!" Ngumiti siya saakin at kinuha ang nagpapa kargang si Yves, naka hawak naman sa isang kamay niya si Saint habang ang isa ay naka alalay kay Yves na nakakarga. Si Laurent naman ay saakin nakahawak.



MY ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now