Chapter 17

19 3 1
                                    

(Unedited version.)

Chapter 17: Jenny

      "Aalis na ako, dito ka lang?" Tanong ko sakanya. Im done convincing myself that I should play this cool. Don't look nervous evie, si Maverick lang yan.

      "Can I have this?" He asked. Tiningnan ko naman yung tinutukoy niya. Its my Preparatory Graduation picture.

      "Meron naman akong naka Two piece diyan, bakit hindi nalang iyon?" Pang-aasar ko. Yeah I should look normal, I should sound normal. Diba ganun dapat if im playing this cool?

      "And also this, this and this." Tinuro niya naman yung graduation picture ko nung elementary, Moving up picture ko nung Junior Highschool at graduation picture nung señior Highschool. Like really? Sa dinami-rami kong hot photos diyan sa album bakit yung muka pa akong banal ang napili niya?

      "Gusto mo ba bigyan din kita ng magiging graduation picture ko ng College? Yun nalang kulang kapag binigay ko sayo lahat yan eh." Sabi ko at tumawa. But deep inside shit naghuhurementado na yung fucking puso ko! Anong nangyayari saakin?

      "Talaga?" Oh damn shit bakit ang Maverick dito sa Cavite ay napaka soft at gentle huh? Huh? Huh? Baket ganon?

      "Oo ba! Balak ko nga sa creative shot kung meron man mag bi-bikini ako. Ayun yung bibigay ko sayo. Gusto mo yon?" Pinilit ko ulit tumawa ng nakakaasar. Why do I feel Like I look pathetic?

     Sumimangot siya at kinuha na yung mga tinuro niya, ni hindi pa nga ako pumapayag ay binulsa niya na agad ang mga iyon.

      "Evie! Gagamitin ko kotche ni mom. Sabi ni daddy nasa garahe naman daw yung kotche mo dati so you Can use that." Sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. "And Maverick alam kong nandyan ka so hindi na ako pumasok pero kailangan na nating umalis." Mabilis pa sa alaskwatro akong lumapit sa pintuan ko at binuksan ito revealing my kuya na may mga judgemental na mga mata.

       "Lets go." Lumabas na si Maverick kaya ngumiti siya ng nakakaloko kasi tama ang kanyang sinabi. Buti nalang ay hinila na siya ni Maverick paalis kaya sinarado ko na agad yung pintuan ng kwarto ko.

      Ngayon lang ako naka hinga ng maluwag, shems! Ano na to? What's happening to me?

      Natauhan ako ng tumunog yung cellphone ko, its Jenny. Hindi ko na iyon sinagot at dali-dali na akong nagsuot ng sapatos at nagsuklay. Wala dito yung bag na ginagamit ko kapag may practice ng cheerdance dahil nasa locker ko iyon. Ayun din ang isa sa mga dahilan kaya ako babalik duon. Dadalhin ko kasi yun pabalik ng Villa.

        Isinuot ko sa wrist ko yung pangatali ko ng buhok dahil basa pa naman ito at mamaya nalang ako magtatali kapag start na ng practice. For sure may orientation pa iyon as usual.

      Pagbaba ko ay nanduon pa sila kuya kasama sila mommy at daddy. Nilingon nila ako at ngiting ngiti nanaman ang cutie kong nanay habang nakatingin saakin.

      "My pretty daughter! Mas lalo kitang na Miss dahil diyan sa suot mo. Naaalala ko pa kapag nag papaalam ka every weekends pagka may practice kayo ng whole day sa cheerdance lalo na kapag may competitions." She said tapos tumingin sa suot ko. "Na inform na ako ng principal at despedida performance mo daw bukas sa cheering squad. Sama mo kaya si Maverick?" Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

      "Alis na po ako." Lumapit ako kay Mom at kiniss siya sa cheeks ganun din kay dad at inabot niya sakin yung susi ng dati kong kotche the Honda Civic, Kay kuya talaga yung sasakyan pero simula ng lumipat na siya kila mami sa Villa sa Negros ay binigay niya na saakin yun.

MY ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now